RAPIDO ni PATRICK TULFO SINAMPAHAN ng grupong Kontra Daya ng kasong diskwalipikasyon ang Vendors Party-list sa Commission on Elections (Comelec). Sa tatlumpu’t tatlong pahinang reklamong isinampa sa election body, sinabi ng Kontra Daya na hindi naman kinakatawan ng unang tatlong nominado ng nasabing party-list na sina Malou Lipana, Florencio Pesigan at Sheryl Sandil, ang sektor na kanilang nirerepresenta. Dati ko na pong pinuna sa pitak na ito ang tatlong naunang nominado ng Vendors Party-list na sina Lipana, Pesigan at Sandil. Dahil ayon sa ating pagsasaliksik, hindi naman po mga vendor…
Read MoreDay: April 25, 2025
Serbisyong Isko, babalik na, darating na!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ITINAKDA na, hindi na mapipigilan pa: Mangyayari ang nais ng Manilenyo, ito ay maibalik ang totoong serbisyo. Wala nang duda pa: isang malaking tagumpay ang mangyayari sa Mayo 12 — tulad ng itinakda na ng maraming survey, lahat mula sa OCTA Research, Pulse Asia, Social Weather Station, at maging ang Kalye Survey, nangingibabaw si Yorme Isko. Ang pulso at puso ng Manilenyo, tumitibok sa sigla sa pagbabalik ni former Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at may bonus pang magaling na vice mayor Chi-Chi Atienza…
Read MoreFORTY
HOPE ni GUILLER VALENCIA SABI nila, life begins at forty. Pero sa Bible, very interesting ang number 40. Si Moises ay nanatili sa Mt. Sinai for 40 days bago bumaba ng bundok na bitbit ang tableta na may Sampung Utos. Forty years naman sa wilderness ang mga Israelitas bago nakapasok sa Land of Promise. Si prophet Elijah ay nasa wilderness for 40 days without food in the Mountain of God. Ang pag-eespiya ng Israelitas sa Canaan ay 40 days din. Si Noah ay 40 days and nights ding nasa arko…
Read MoreLUMALAKAS ANG ASENSO PINOY, TINGOG AT 4K PARTYLISTS
TARGET ni KA REX CAYANONG SA darating na halalan ngayong May 12, 2025, muli na namang mamimili ang sambayanang Pilipino kung sino ang karapat-dapat na kumatawan sa kanilang tinig sa Kongreso. Kaya sa hanay ng mga party-list na naglalayong itaguyod ang kapakanan ng karaniwang mamamayan, kapansin-pansin ang mabilis na pag-angat ng Asenso Pinoy, batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Ayon sa naturang survey na isinagawa noong Abril 11–15 at kinomisyon ng Stratbase, nakakuha ang Asenso Pinoy ng 4.08% ng boto mula sa mga respondent na pumili ng…
Read MoreVP SARA SA MARCOS ADMIN: BINUBUDOL NA NAMAN TAUMBAYAN
ITINUTURING ni Vice President Sara Duterte na panloloko o pambubudol na naman sa taumbayan ang pagbebenta ng Department of Agriculture (DA) ng P20 kada kilo ng bigas sa Visayas Region. Ang P20 kada kilo ng bigas ay tinatawag na election promise na naglalayong palakasin ang tsansa ng senatorial candidates ng administrasyon. Muli aniya ay sinusubukan na namang lokohin ng administrasyon ang mga tao sa pangako nitong ibenta ang bigas sa P20 kada kilo. “Well, hindi ko alam kung anong motibo nila. Baka, yes, inaano na nila ang mga tao, binubudol…
Read MoreSOLON KAY CELIZ: MAGPAKALALAKI KA
SA halip magtago sa Amerika at mag-apply ng asylum sa Canada, dapat lalaking harapin ni Sonshine Media Network International (SMNI) anchor Jeffrey Celiz ang kanyang mga kaso tulad ng inciting to sedition sa Pilipinas. Hamon ito ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kay Celiz matapos malamang nasa New York ito at mag-aapply umano ng asylum sa katabing bansa na Canada. “He should be man enough to face his charges here. Nobody is persecuting him. I just want to remind him that he should not be too conscious of…
Read MoreSOCIAL PULSE PHILIPPINES LEHITIMONG RESEARCH ORG
NILINAW ng Social Pulse Philippines na sila ay lehitimo taliwas sa naunang ulat ng kahalintulad nilang research group kamakailan. Sa official statement ng Social Pulse Philippines, isang research agency sa bansa, pinabulaanan nito ang mga pahayag ng Philippine Research and Marketing Association Inc. (PRAMA). Matatandaang sinabi ng kinatawan ng PRAMA na si Anton Salvador na ginamit ng Social Pulse Phils. ang social media upang impluwensyahan ang opinyon ng publiko sa pamamagitan ng paglalabas ng survey. Pagtutuwid ng Social Pulse Phils., binaligtad ng PRAMA ang katotohanan. Anila, ang Social Pulse Philippines…
Read MoreAre we capable, interested? – Teodoro ‘SPYING ISSUE’ NG CHINA SA PILIPINAS SINOPLA
KINUWESTIYON ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang alegasyon ng pag-eespiya laban sa tatlong Pinoy na inaresto sa Tsina kamakailan. Tinukoy ni Teodoro ang concern ng Tsina sa naging aktibidad nito West Philippine Sea (WPS) at hindi sa loob ng Beijing. “Ano bang capability ng Pilipinong mang-espiya doon? Anong capability natin? Anong interest natin malaman kung anong nangyayari doon sa loob ng bansa nila?” ang sinabi ni Teodoro. “Ang interest natin, iyong ginagawa nila sa WPS. Meron ba tayong interest kung anong nangyayari doon sa mga lugar na inaano na,…
Read More‘Di kasama sa DuterTEN plus 2 CAMILLE, IMEE LAGLAG KAY DU30
HINDI sina Camille Villar at Imee Marcos ang karagdagan sa sampung senatoriables na sinusuportahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Lumabas ito matapos ang pahayag kamakalawa ni Davao City Representative Paolo “Polong” Duterte na buo na ang 12 senador na pinal at pormal na ineendorso ng kanyang ama. Binanggit ito ng batang Duterte sa isang panayam sa labas ng International Criminal Court (ICC) facility sa The Hague, Netherlands kung saan nakakulong ang dating pangulo. “Final niya inendorse ngayon sa loob, pinapaalam niya sa inyo si Querubin at Honasan,” ani Polong na…
Read More