MATAGUMPAY ang tatlong araw na Media Summit 2025 na isinagawa ng Korte Suprema sa Lungsod ng Baguio para sa kapakanan ng mga journalist na nagko-cover ng justice beat.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Ting, layon ng naturang aktibidad na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mamamahayag sa tamang pamamaraan ng pagkilos sa Korte Suprema at mas malalim na pag-intindi sa mga terminong ginagamit dito.
Giit ni Atty. Ting, mas mapapalalim ng Media Summit ang pang-unawa at kaalaman sa mga desisyon ng korte at maipaalam ito sa publiko nang mas simple, maayos at wasto.
Sa nasabing summit ay nagbigay ng kani-kanyang pahayag ang mga mahistrado ng high tribunal para tulungan ang mga mamamahayag na mapalawak ang kaalaman pagdating sa hudikatura.
(JULIET PACOT)
