ITINAAS ng Pilipinas ang watawat nito sa Sandy Cay para igiit ang sovereign rights nito sa nasabing lugar. Ito’y matapos na i-display ng Philippine Navy (PN), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Police (PNP)-Maritime Group ang watawat ng Pilipinas sa Sandy Cay sa isinagawang inter-agency maritime operation, araw ng Lunes para kontrahin ang ipinahayag ng Tsina na kinamkam na nito ang lugar. Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang hakbang ay alinsunod sa pangako ni Pangulong Ferdinand…
Read MoreDay: May 1, 2025
UMENTO SA SAHOD SUPORTADO NG 106 TRABAHO PL
NGAYONG Labor Day, buong suporta ang ipinahayag ng 106 TRABAHO Party-list sa katiyakang binigay ni Presidente Ferdinand “PBBM” Marcos Jr. para sa mga minimum wage earners sa Metro Manila na dinidinig nito ang panawagan para sa umento sa pasahod. Ayon sa grupo, ito ay mahalagang hakbang upang mapagaan ang pasanin ng mga pinakaapektadong manggagawa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Kinumpirma rin ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na nakatakdang magsimula ng wage review ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na magtataas ng arawang minimum na…
Read MoreTAX EXEMPTION SA MGA MANGGAGAWA ITAAS – ABALOS
SA paggunita ng Araw ng Paggawa, nanawagan si dating DILG Secretary at tumatakbong senador Atty. Benhur Abalos Jr. na itaas ang income tax exemption para matulungan ang mga manggagawang Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at upang madagdagan ang kanilang take-home pay. Ayon kay Abalos, ang kasalukuyang batas — na hindi nagpapataw ng buwis sa mga kumikita ng P250,000 pababa kada taon — ay naisabatas pa noong 2018 at maaaring hindi na sapat sa kasalukuyang panahon dahil sa inflation at mataas na gastusin sa araw-araw.…
Read MoreLOVERS TIMBOG SA P850K SHABU
CAVITE – Timbog ang dalawang indibidwal na magkarelasyon makaraang makumpiskahan ng tinatayang P850,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina alyas “Arapat”, kabilang sa listahan ng high value individuals (HVIs), at alyas “Queenie”, isa namang street value individual (SLI). Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Cavite Police Provincial Office (PPO) at Dasmariñas Component City Police Station, sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City bandang alas-3:20…
Read MoreHUSTISYA AGAD MAKAKAMIT NG PAMILYA DAYANG – PNP
NANGAKO ang Pambansang Pulisya ng agarang paglutas sa pagpaslang kay Juan “Johnny” Dayang, isang batikang mamamahayag na binaril sa kanyang bahay sa Kalibo, Aklan. Bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tiniyak ng PNP na makakamit ng pamilya ang hustisya kay Dayang na haligi sa pamamahayag sa bansa at President Emeritus ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI). Nagpaabot naman ng pakikiramay ang buong PNP sa pamilya ni Dayang. “Kami ay mariing kumokondena sa karumal-dumal na krimeng ito,” ani PNP Chief, PGen Rommel Francisco D. Marbil.…
Read MoreHR LAWYER: VP SARA DESIDIDONG ILIGTAS SARILI SA IMPEACHMENT
NANINIWALA ang isang human rights lawyer na ang pag-endorso ni Vice President Sara Duterte sa senatorial candidates ay naglalayon na iligtas ang kanyang sarili na mahatulan ng guilty sa impeachment trial at hindi para sa kapakanan ng publiko. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Atty. Antonio “Audie” Bucoy, miyembro ng Free Legal Assistance Group (FLAG) at ng Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity and Nationalism (MABINI), na ang biglaang pagsuporta ni Duterte sa mga tumatakbong senador ay nagpapakita ng kanyang pangamba na ma-convict ng Senate impeachment court. “Iyon pong…
Read MoreANGKASANGGA UMAKYAT SA TOP 11 SA OCTA SURVEY
UMAKYAT ang Angkasangga Party-list (#107 sa balota) sa Top 11 sa pinakabagong OCTA Research survey para sa party-list. Sa survey na ginawa mula Abril 10 hanggang 16, nakakuha ang Angkasangga Party-list ng 1.98 percent, sapat na para sa isang upuan sa Kongreso. Ito’y bunga ng momentum na pinamalas ng Angkasangga Party-list sa “Araw ng Kagulong” event na ginawa noong Abril 27, 2025 kung saan nagsama-sama ang libu-libong riders, delivery partners, TODAs, at mga tagasuporta bilang pagpapakita ng pagkakaisa at lakas. Nakadagdag din sa lakas ng Angkasangga Party-list ang pag-endorso ng…
Read MoreMOBILE CLINIC PROGRAM PARA SA INDIGENOUS COMMUNITIES INILUNSAD NG PINOY AKO PL
INILUNSAD ng Pinoy Ako Party-list ang “Docs on Wheels” program na layong magbigay ng medical services sa indigenous communities at malalayong lugar gamit ang Mobile Medical Clinic. Sa idinaos na campaign sortie sa Morong, Rizal, sinabi ng Pinoy Ako na ang natirang inisyatiba ay konkretong tugon sa matagal nang problema sa kakulangan sa access sa serbisyong kalusugan ng maraming pamilyang Pilipino hindi lamang ang mga miyembro ng indigenous communities kundi maging ang mahihirap na pamilya na naninirahan sa bulubunduking mga lugar. “The primary objective of this program is to deliver…
Read MoreLABOR GROUPS NG MARIKINA IPINAHAYAG SUPORTA KAY REP. STELLA QUIMBO
LUNGSOD ng Marikina — Sa paggunita ng Araw ng Paggawa, ilang unyon at organisasyon ng manggagawa mula sa iba’t ibang sektor sa Marikina ang sabay-sabay na nagpahayag ng buong suporta sa kandidatura ni Rep. Stella Quimbo bilang alkalde ng lungsod. Sa isang pahayag na inilabas ngayong araw, kinilala ng mga manggagawa si Quimbo bilang matagal nang kakampi ng sektor, hindi lamang sa mga batas na kanyang isinusulong sa Kongreso kundi pati sa mga konkretong programang nakatuon sa kapakanan ng manggagawang Marikeño. “Si Teacher Stella ay aming kasangga sa loob at…
Read More