Mga Pasigueno hinimok suriin pamumuhay sa nakalipas na 6 taon PAGTUTOK SA BASIC NEEDS NG MGA RESIDENTE PRAYORIDAD NI DISCAYA

ILANG araw bago ang botohan sa Lunes, hinikayat ni Pasig mayoralty candidate Sarah Discaya ang mga botante na pag-aralang mabuti ang nagdaang anim na taon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon at suriin kung bumuti ba o hindi ang kanilang pamumuhay. Ayon kay Disacaya, hindi lamang “good governance” ang kailangan ng mga taga-Pasig kundi kailangang maibigay sa kanila ang serbisyo at suporta para mapabuti ang kanilang kondisyon. Aniya, bagaman mabuti ang pagkakaroon ng good governance, hindi naman ito makapagbibigay ng economic support na krusyal para sa pagbuti at pagpapahusay ng pangkalahatan.…

Read More

ABALOS HANGAD ANG MAS MALUSOG AT MAS MATALINONG KABATAAN

BISTADOR ni RUDY SIM KAILANGAN nang gawing prayoridad ang nutrisyon bilang pundasyon ng edukasyon dahil ang mga batang maililigtas natin ngayon ang magpapatakbo ng bansa bukas. Hindi makakamit ang tunay na reporma sa edukasyon kung mananatiling gutom at malnourished ang ating mga kabataan. Ito ang sentro ng panawagan ni Benhur Abalos Jr., dating mayor ng Mandaluyong at ngayo’y tumatakbong senador, na nagsasabing kailangang simulan ang pagsasaayos ng edukasyon sa pinakaunang hakbang: ang kalusugan ng utak ng bata. Sa mga diskusyon ukol sa mababang performance ng mga estudyanteng Pilipino sa international…

Read More

SA PAGBABALIK: PANGAKO NI PACQUIAO NA MAGDALA NG PAG-UNLAD SA KANAYUNAN

Bumalik si dating senador Manny Pacquiao sa sinilangan niyang bayan sa Kibawe, Bukidnon, para pagtibayin ang panata para sa mga kababayan. Ipinakita naman ng kanyang mga kababayan sa Bukidnon ang 100 porsyentong suporta kasabay ng taos pusong pasasalamat. Sa harap ng kanyang mga kababayan, ipinahayag ni Pacquiao ang kanyang layunin sa pagbabalik sa senado. “Hindi ko nalilimutan kung saan ako nanggaling, at babalik ako para sa inyo dahil kailangan kong tuparin ang aking mga pangako,” ani Pacquiao. Binanggit ni Pacquiao ang mga panukalang batas at plataporma na kaniyang isusulong. Nakatuon…

Read More

REVILLA NAGPASALAMAT SA PAG-ENDORSO NG INC

NAGPAHAYAG ng taos-pusong pasasalamat si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa Iglesia Ni Cristo (INC) at sa Executive Minister nito na si Eduardo V. Manalo makaraang iendorso ito para sa kanyang senatorial re-election bid. Sa isang Facebook Live post, pinasalamatan ni Sen. Bong Revilla ang INC kasabay ng pangako nito na mas paiigtingin pa ang kanyang isinasagawang paglilingkod sa bayan. “Maraming salamat po kay Kapatid na Eduardo Manalo at buong Iglesia Ni Cristo sa inyong patuloy na tiwala sa akin, tungo sa inyong naging kapasyahan na ako po’y muli ninyong…

Read More