NAGPAHAYAG ng taos-pusong pasasalamat si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa Iglesia Ni Cristo (INC) at sa Executive Minister nito na si Eduardo V. Manalo makaraang iendorso ito para sa kanyang senatorial re-election bid.
Sa isang Facebook Live post, pinasalamatan ni Sen. Bong Revilla ang INC kasabay ng pangako nito na mas paiigtingin pa ang kanyang isinasagawang paglilingkod sa bayan.
“Maraming salamat po kay Kapatid na Eduardo Manalo at buong Iglesia Ni Cristo sa inyong patuloy na tiwala sa akin, tungo sa inyong naging kapasyahan na ako po’y muli ninyong suportahan sa ating pagpapatuloy manilbihan sa bayan,” ayon sa senador.
“Hindi ko po sasayangin ang inyong suporta at paniniwala sa akin,” dagdag pa ni Revilla.
Ang INC ay may tinatayang aabot sa 5 milyon boto sa pamamagitan ng “bloc voting” kaya’t ang pag-endorso nila ang pinakahihintay ng mga botante at pinaniniwalaang may malakas na impluwensya sa resulta ng halalan.
(Danny Bacolod)
