QUEZON – Patay ang isang 34-anyos na lalaki matapos mabaril ng mismong kapitan na kanilang nirespondehan noong Lunes ng gabi sa Brgy. Gibanga, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan. Kinilala ang biktimang si Albert Malarasta, residente ng nasabing barangay, idineklarang wala nang buhay nang idating sa Ace Medical Center sa Sariaya, dahil sa dalawang tama ng bala sa dibdib. Ayon sa imbestigasyon ng Sariaya Police, dakong alas-11:55 ng gabi noong Lunes, nagresponde ang biktima kasama ang kanyang amang si Elpidio Malarasta, isang tanod, at si Andeson Mabuhay, chief tanod, sa…
Read MoreDay: May 20, 2025
P5.32-B DROGA WINASAK NG PDEA
WINASAK sa pamamagitan ng pagsunog ang tinatayang P5.32 bilyong halaga ng iba’t ibang uri ng ilegal na droga, kabilang ang shabu at marijuana, sa isang seremonya na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City nitong Martes, Mayo 20. Pinangunahan ni Dangerous Drugs Board (DDB) chairman, Secretary Oscar Valenzuela ang seremonya na sinaksihan ng mga opisyal mula sa PNP, DOJ, DILG, NGOs, at media. Sinira ang kabuuang 2,227.75 kilo ng solid illegal drugs at 3,447 milliliters ng liquid na…
Read MoreMAYOR-ELECT ISKO, NANUMPA NA BILANG BAGONG ALKALDE NG LUNGSOD NG MAYNILA
HUMARAP sa Korte Suprema si Manila Mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso para manumpa sa kanyang gagampanang tungkulin bilang bagong halal na lider ng lungsod bago ang kanyang ‘transition’ sa Hunyo 30. Ayon sa Transition Team ni Domagoso, nanumpa ito kay Supreme Court Associate Justice Antonio Kho Jr. nitong Mayo 19, 2025, ng alas-2:00 ng hapon sa Supreme Court En Banc Session Hall sa Ermita, Manila. Kumpleto ang pamilya ng nagbabalik na alkalde ng Maynila sa pangunguna ng maybahay na si Dynee; mga anak na sina Patrick, Frances, at Franco gayundin…
Read More17 INCUMBENT PARTY-LISTS LAGLAG
BIGONG makabalik sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang may labing pitong (17) incumbent party-list organization matapos hindi makakuha ng sapat na boto sa nakaraang mid-term elections. Sa pagsusuri ng SAKSI Ngayon, hindi makababalik sa Kamara ang Gabriela party-list dahil ika-55 ito sa ranking ng party-list group. Nasa 54 organisasyon lamang ang idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na nanalo kabilang na ang Duterte Youth at Bagong Henerasyon (BH) party-list na sinuspinde ang proklamasyon dahil sa mga nakabinbing disqualification case. Kabilang sa mga incumbent party-list na hindi sinuwerte ang Anakalusugan, Barangay…
Read MorePOLICE VISIBILITY, SINGLE CRISIS HOTLINE KONTRA KRIMEN
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dagdagan ang police visibility para mapigilan ang krimen at ipatupad ang unified emergency hotline para sa mas mabilis na pagtugon sa krisis. Sa isinagawang maiden episode ng BBM Podcast, araw ng Lunes, inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na tiyakin na ang mga pulis ay malapit sa mga tao. “So ang una naming ginawa, inutusan ko silang – ng DILG at saka Chief PNP – sinabi ko sa kanila, dapat…
Read More3RD DEATH ANNIVERSARY NI SUSAN ROCES GINUNITA
GINUNITA ng pamilya ni Senadora Grace Poe ang ikatlong anibersaryo ng kamatayan ng inang si Susan Roces kahapon. Kasama ang anak na si FPJ Party-list Rep. Brian Poe Llamanzares dumalo sila sa misa at nag-alay ng bulaklak sa puntod ng beteranang aktres sa Manila North Cemetery sa Maynila. Dumalo rin sa paggunita ang malalapit na kaibigan at tagasuporta ng pamilya upang alalahanin ang iniwang pamana ng minamahal na aktres at personalidad sa sining at kultura ng Pilipinas. (Danny Bacolod) 101
Read MoreDQ NG MANILA BET NA-TRO NG SC
PINIGIL ng Korte Suprema ang implementasyon ng disqualification na iginawad ng Commission on Elections kay Konsehal Darwin Sia na kumandidato sa nabanggit na posisyon sa nakaraang May 12, 2025 local elections. Sa katatapos na session ng Supreme Court en banc, kinatigan ang petition for temporary restraining order o TRO na idinulog ni Sia sa Korte. Kinansela ng Comelec ang certificate of candidacy ni Sia at diniskwalipika ang kandidatura nito sa ikalawang distrito ng Lungsod ng Maynila sa May 12, 2025 elections dahil sa conviction sa isang kaso ng electricity pilferage…
Read More