PINANGUNAHAN mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagwasak sa nakumpiskang mga ilegal na droga na nagkakahalaga ng P9,484,134,038.62 sa Clean Leaf International Corporation sa lalawigan ng Tarlac. Ayon kay PBBM, talagang tinutukan niya ang pagwasak ng mga kontrabando para matiyak na hindi na ito mare-recycle at ikalat sa merkado. Nais masiguro ng Pangulo na dumaan sa testing hanggang sa mailagay na sa incinerator para wasakin ang bulto-bultong illegal drugs, at isasapubliko ng media para maiwasan ang mga pagdudududa na ito’y napalitan o ni-recycle. Kasama ng Pangulo si Interior Secretary…
Read MoreDay: June 25, 2025
SUBMERSIBLE DRONE NATAGPUAN SA KARAGATAN NG CAGAYAN
CAGAYAN – Isinuko sa mga awtoridad ang hinihinalang isang submersible drone na natagpuan noong Martes sa karagatan ng Calayan sa lalawigan. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinabi ni Cagayan Police Office director, Col. Merdito Angulan, natagpuan ng punong barangay ng Dalupiri ang nasabing drone sa karagatan na sakop ng nabanggit na barangay. Ayon kay Angulan, ang nasabing drone ay may propeller, antenna at rudder na nagpapakitang kontrolado ng remote control. Sa ngayon ay sinusuri ito ng mga awtoridad upang malaman ang pinagmulan at kung posibleng banta ito…
Read MoreTESTIGO SA REKLAMO VS LOCAL OFFICIALS SA LAGUNA, ITINUMBA
LAGUNA – Patay ang isang ginang matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na nakamotorsiklo sa isang vulcanizing shop sa national highway ng Brgy. Canlalay, Biñan City noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Phoebe Dawn Marie Monton, 36, residente ng Brgy. San Antonio, Biñan City, Laguna. Ayon sa imbestigasyon ng Biñan City Police Station, bandang alas-10:00 ng umaga, nasa vulcanizing shop ang biktima nang biglang dumating ang suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ito. Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Olivarez Stoplight. Agad…
Read MoreSENIOR CITIZENS BINALAAN SA FAKE NEWS SA UNIVERSAL PENSION
NAGBABALA si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes sa mga senior citizen sa bansa ukol sa pagkalat sa social media ng maling impormasyon ukol sa pamamahagi ng universal pension. “Fake news po ang kumakalat na makakatanggap na ng P1,000 monthly universal pension na para daw po sa lahat ng senior citizens,” ani Ordanes. Nilinaw niya na sa ngayon, tanging ang may pensyon ay ang mga kwalipikado sa Social Pension for Indigent Senior Citizens program na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at hindi pa nailipat sa…
Read MoreEPEKTO NG MIDDLE EAST TENSION SA EKONOMIYA MINALIIT NG PALASYO
WALANG makabuluhang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang umiiral na tensyon sa Gitnang Silangan. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos niyang makapulong ang kanyang economic team, araw ng Martes. “We looked at it and inanalyze namin paanong mangyayari and nakita natin na the effect on the economy should be manageable,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. “So far there’s no significant effect on the economy,” aniya pa rin. Sa kabilang dako, sinabi naman ni Energy Usec Sharon Garin na base sa assessment ng economic managers, minimal lamang ang…
Read MoreMEDIA GINAWARAN NG PAGKILALA NG AFP
GINAWARAN ng pagkilala ng Armed Forces of the Philippines ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kasapi ng media sa paglalahad sa sakripisyo at mga pangangailangan ng kasundaluhan at maging sa paglalantad ng katotohanan sa gitna ng nararanasang tensyon sa bahagi ng West Philippine. Pinangunahan ni Philippine Air Force commanding general, Lt. Gen. Arthur M. Cordura ang paggawad ng pagkilala at pasasalamat sa ilang radio, television and media network. Bilang bahagi ng nakatakdang pagdiriwang ng kanilang ika-78 anibersaryo, binigyang pagkilala rin ni Lt. Gen. Cordura ang ilang mamamahayag sa kanilang…
Read More1 PATAY SA SUNOG SA APARTMENT SA QC
PATAY ang isang lalaki at marami ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa dalawang palapag na apartment building sa Zambales Street, Brgy. San Martin de Porres, Quezon City dakong alas-2:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles. Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP), mabilis na tinupok ng apoy ang itaas na palapag ng paupahang bahay dahilan upang ilagay sa first alarm ng BFP ang insidente. Ayon sa ulat, hindi bababa sa 13 fire trucks at ilang fire volunteer group ang nagresponde sa insidente. Idineklara ng mga bumbero na kontrolado…
Read MoreGABUNDOK NA BASURA SA MAYNILA ‘DI NAHAHAKOT
TILA naging siyudad ng basura na ang Lungsod ng Maynila dahil sa tambak at gabundok na basura na naipon at hindi nahahakot ng service provider sa maraming lugar nito. Bagama’t aminado si Manila Department of Public Service (DPS) Officer-in-Charge Jonathan Garzo na nabigo ang service provider na Metro Waste Solid Management Corp. at Philippine Ecology Systems Corp. (PhilCo), na matugunan ang nilagdaang kontrata na nagkakahalaga ng P842.7 milyon, para sa paghahakot ng basura sa Maynila, sinabi niya na sinisikap pa rin nilang makatulong sa paghahakot ng basura. Aniya ang street…
Read MorePAGTAMBAK NG SHABU SA PINAS SINADYA NG CHINA – AFP
HINDI INAALIS ng ilang mataas na mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines na posibleng hindi lang negosyo ng international drug cartel ang motibo sa pagpupuslit ng tone-toneladang shabu sa Pilipinas kundi sinasadya ito ng China para wasakin ang isipan ng mga kabataang Pilipino. Sa ginanap na pulong balitaan ng AFP sa general headquarters ng Philippine Air Force nitong Martes, inihayag ni Navy Spokesman on West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hindi malayo na ginagawa ito ng China para sirain ang kaisipan ng ating mga kabataan. “It’s…
Read More