4 BIKTIMANG TINANGAY NG BAHA SA CAVITE NATAGPUAN NA

CAVITE – Makaraan ang ilang araw na rescue operation, natagpuan na ang bangkay ng apat na indibidwal kabilang ang dalawang batang estudyante at isang lolo, na tinangay ng baha noong kasagsagan ng malakas na ulan sa lalawigan. Kabilang sa narekober na mga katawan ay kinilalang sina Prince, 10-anyos na Grade 5 student ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City; Mohamad, 5-anyos, Kinder; Jesus San Luis, 76, at isang 29 anyos na lalaki na mula sa Kawit, Cavite. Ang katawan ni Prince ay nakita bandang alas-9:49 ng umaga sa Brgy. Datu Esmael…

Read More

SANGGOL IBINENTA; INA, MAG-ASAWANG BUYER, NAG-AHENTENG MIDWIFE ARESTADO

LUCENA CITY – Isang sanggol na 23-araw pa lamang ang gulang, ang matagumpay na nailigtas matapos itong ibenta ng sariling ina sa halagang P52,000 sa isang mag-asawa, sa pakikipagsabwatan ng isang midwife sa lungsod noong Miyerkoles ng hapon, Ayon sa report ng Lucena City Police, ang biktimang isang sanggol na babae ay isinilang lamang noon Hunyo 3, 2025 sa Lucena City. Nagsimula ang insidente nang magsumbong ang lola ng sanggol sa Lucena City Police Station na ibinenta ng kanyang anak na residente ng Brgy. Bocohan, Lucena City, at nanay ng…

Read More

GSIS NAGDAOS NG STAKEHOLDERS’ DIALOGUE

gsis

SA layuning mapabuti pa ang serbisyo sa mga miyembro, nagsagawa ng stakeholders’ dialogue ang Government Service Insurance System o GSIS sa Sequoia Hotel Manila Bay. Pinangunahan ni GSIS President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso ang dayalogo, at binigyang-diin ang kahalagahan ng feedback mula sa kanilang mga miyembro. Ayon kay Veloso, “Bawat bagong hakbang ay bunga ng pakikinig sa ating mga miyembro.” Ibinida ni Veloso na 99% ng transaksyon sa GSIS ay online na, gamit ang mga digital tools tulad ng GSIS Touch mobile app, facial recognition para sa…

Read More

NAPOLCOM IIMBESTIGAHAN MGA PULIS NA SABIT SA MGA MISSING SABUNGERO

MAGSASAGAWA ng “motu propio investigation” ang National Police Commission o Napolcom makaraang mapaulat na may ilang pulis na dawit sa pagkawala ng mahigit 100 sabungero. Sinabi ni Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, na kanyang inatasan ang Inspection, Monitoring and Investigating Service o IMIS na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa ibinunyag ni alyas “Totoy”. Matatandaan na ibinunyag ni Totoy na may ilang pulis na kasabwat ng grupo na nagpapatay sa mahigit sa 100 sabungero at itinapon ang mga bangkay sa Taal Lake. Ayon kay Atty. Calinisan,…

Read More

REMULLA IKOKONSULTA SA SC ISYU NG ‘SUHOL’ SA KASO NG MISSING SABUNGEROS

KAKAUSAPIN ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo hinggil sa gumagapang na suhol at pera para impluwensyahan ang judiciary kaugnay ng kontrobersyal na missing sabungeros. Ito ay matapos aminin ni Remulla na mismong si alyas Totoy ang nangumpisal sa kanya na nagbanta ang mastermind at sinabing “Kaya natin ‘yan, kahit ang SC kaya natin”! “Credible enough” na maituturing si alyas “Totoy,” ayon sa kalihim. Dahil sa mga dokumento at video na hawak nito malaking tulong para mapanagot ang mga sangkot sa kaso. Ayon kay…

Read More

“INTERNATIONAL CAMPAIGN” NI VP SARA SA INTERIM RELEASE NI FPRRD, MINALIIT NI CONTI

Si Atty. Cristina Conti habang sumasagot sa katanungan ng mga mamamahayag sa The Agenda Forum sa Club Filipino, kasama si Atty. Sigfrid Mison bilang moderator. ‘WA EPEK’ o walang saysay umano ang isinasagawang “international campaign” ni Vice President Sara Duterte upang mapalaya pansamantala si dating pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakadetine nito sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. Ito ang naging pahayag ni Atty. Cristina Conti, National President ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) at Assistant Counsel to the ICC, sa ‘The Agenda’ media forum sa Club…

Read More