TECHNOLOGY GAGAMITIN SA PAGPAPAIKLI NG EDSA REHAB

PLANO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na gumamit ng bagong construction method para paikliin ang rehabilitasyon ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), itinuturing na ‘busiest thoroughfare’ sa Kalakhang Maynila. Sa isang panayam, sinabi ni DPWH-National Capital Region Director Engr. Loreta Malaluan na sinaliksik na ng departamento, sa pakikipag-ugnayan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr), ang mga “available road materials, procedures, and technologies that can be adapted to facilitate the implementation of the EDSA Rehabilitation Program in the shortest possible time.” Ito’y…

Read More

MABABANG INFLATION, DAPAT MAGRESULTA SA MAS MABABANG INTEREST RATES

HINIMOK ni Senator Win Gatchalian ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na samantalahin ang patuloy na mababang antas ng inflation sa bansa upang ipatupad pa ang mga karagdagang pagbabawas sa interest rates. Ayon sa senador, ang benign o kontroladong inflation noong Hunyo — na nanatili sa ilalim ng target range ng BSP — ay nagpapakita ng oportunidad para maglabas ng monetary rate cuts na maaaring magpasigla sa konsumo at magtulak ng mas matatag na paglago ng ekonomiya. “Sa patuloy na mababang inflation, umaasa tayong gagamitin ito ng BSP bilang pagkakataon…

Read More

LEGISLATED WAGE HIKE BILL ‘DI NA KAILANGANG I-CERTIFY AS URGENT

NANINIWALA si Senador JV Ejercito na hindi na kailangan pang i-certify as urgent measure o isama sa priority bills ng administrasyon ang panukalang umento sa sahod ng mga minimum wage earners bago aksyunan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso. Iginiit ni Ejercito na kung talagang seryoso ang mga mambabatas na pagkalooban ng tulong ang mga minimum wage earners sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay agad nang aaksyunan ang mga panukalang legislated wage hike. Sinabi ng senador na dahil naipasa na sa nakaraang Kongreso ang legislated…

Read More

BUDGETING SYSTEM OVERHAUL ISINULONG

PINAPA-OVERHAUL sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang budgeting system ng gobyerno upang masiguro na magagamit ang pondong inilalaan sa isang proyekto at programa at maramdaman ng mamamayan ang epekto nito. Tinawag ni Leyte Rep. Martin Romualdez na “Budget Modernization Act” ang nilalaman ng kanyang House Bill (HB) 11 na naglalayong mapabilis umano ang serbisyo ng gobyerno at maiwasan ang pag-aaksaya ng pera ng bayan. “Bawat sentimo sa national budget ay pera ng taongbayan. Kailangan magamit ito nang mabilis, tapat at may malinaw na resulta para sa mga Pilipino, lalo na…

Read More

ANTI-POLITICAL DYNASTY ‘MALIIT’ TSANSANG MAIPASA

KAILANGAN ang tulong ng taumbayan para ma-pressure ang dalawang Kapulungan ng Kongreso na maging batas ang mga panukala na tuluyang magbabawal sa mga magkakamag-anak na tumakbo sa iba’t ibang posisyon. Ginawa ni Bukidnon Rep. Keith Flores ang pahayag matapos aminin na maliit ang tsansang maisabatas ang panukala maliban lamang kung sumali ang sambayanang Pilipino sa labang ito. “To be realistic about it, medyo slim,” pag-amin ni Flores na isa sa naghain ng panukala bukod sa grupo ng Makabayang bloc na sina ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan party-list…

Read More

DALDAL NI ESCUDERO SINOPLA NI CARPIO

SINOPLA ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio si Senate President at Impeachment court presiding officer Francis “Chiz” Escudero sa pagbibigay nito ng komento ukol sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Nauna rito, kinuwestyon ni Escudero ang aniya’y hindi pagkibo noon ni Carpio sa impeachment case ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez. Tugon ni Carpio, hindi siya nagbigay ng anomang komento dahil miyembro siya ng Korte Suprema noon. “I was in the Supreme Court since 2001, and as a member of the Supreme Court, I cannot…

Read More

MODERNISASYON NG AFP AT PNP, DAPAT LAANAN NG TIG-P25B

MULING isinusulong ni Senador Alan Peter Cayetano sa Senado ang panukalang naglalayong maglaan ng P25 bilyon sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa loob ng limang taon para sa modernisasyon ng kanilang mga kampo at pasilidad. Layon ng proposed AFP and PNP Camp Development Fund Act ni Cayetano na palakasin ang AFP at PNP. Sinabi ni Cayetano na mahalaga ang papel ng militar at pulisya sa pagbabantay sa pambansang seguridad kaya’t kailangan ng tuloy-tuloy na pondo para sa kanilang pagpapaunlad. “Peace and order is essential to…

Read More

MINORITY BLOC SA KAMARA BUO NA

TATLONG linggo bago pormal na magsimula ang 20th Congress, buo na ang grupo ng mga mambabatas na tatayong minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Inanunsyo ito kahapon ni 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan na muli umanong tatakbong minority leader kung saan 26 congressmen umano ang sumusuporta sa kanya kasama sina Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan party-list Rep. Chel Diokno at Leyte Rep. Richard Gomez. Ayon kay Libanan, lumagda sa joint manifesto ang 11 first time at 6 na comebacking congressmen para sa tinatarget nitong posisyon…

Read More

VACATION LEAVE NG SEAMAN NAUUBOS LANG SA F2F REFRESHER COURSES – SEN. ERWIN TULFO

SA halip makasama ang pamilya, nauubos lang sa mga face-to-face schooling o refresher courses training ang bakasyon ng mga seaman sa bansa tulad ng marine engineers at deck officers ng barko. Ito ang hinaing ng ilang mga nagbabakasyong Maritime Officers kay Senator Erwin Tulfo na kaagad naman niyang itinimbre kay Senator Raffy Tulfo, ang chairman ng mga Komite ng Public Services at Migrant Workers sa Senado. Nangako si Erwin Tulfo na agad tatawagan ng pansin sina Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Sonia B. Malaluan at Department of Migrant Workers Secretary…

Read More