ANTI-POLITICAL DYNASTY ‘MALIIT’ TSANSANG MAIPASA

KAILANGAN ang tulong ng taumbayan para ma-pressure ang dalawang Kapulungan ng Kongreso na maging batas ang mga panukala na tuluyang magbabawal sa mga magkakamag-anak na tumakbo sa iba’t ibang posisyon.

Ginawa ni Bukidnon Rep. Keith Flores ang pahayag matapos aminin na maliit ang tsansang maisabatas ang panukala maliban lamang kung sumali ang sambayanang Pilipino sa labang ito.

“To be realistic about it, medyo slim,” pag-amin ni Flores na isa sa naghain ng panukala bukod sa grupo ng Makabayang bloc na sina ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan party-list Rep. Renee Co.

Gayunpaman, sinabi ng mambabatas na nakadepende ang tagumpay ng nasabing panukala sa suporta ng mamamayan dahil kung tatanungin aniya ang mga tao ay gusto nilang matapos na ang political dynasty.

“Kung anong public support ang makukuha natin dito. Ang importante po gusto ng karamihan na mabigyan ng definition kung ano ba talaga itong political dynasty,” paliwanag pa ng mambabatas sa isang panayam kahapon.

Sa ilalim ng panukala ni Flores, ipagbabawal ang pagtakbo ng miyembro ng pamilya hanggang second degree of consanguinity o mula anak, asawa, tatay at kapatid kung isa sa kanila ay kandidato na sa Senado, Congressman, Governor, Mayor, Vice Mayor at iba pang local position.

Taliwas ito sa panukala nina Tinio at Co kung saan hanggang fourth degrees of consanguinity o hanggang sa kaapu-apuhan ang hindi puwedeng tumakbo nang sabay-sabay sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.

(BERNARD TAGUINOD)

34

Related posts

Leave a Comment