P25-M SHABU NADISKUBRE SA PARCEL SA PAMPANGA

UMABOT sa 5.062 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P25,310,000.00 ang halaga, ang nadiskubre sa isang parcel sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga noong Hulyo 30, 2025 Ayon kay National Bureau Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, sa pakikipagtulungan ng Clark International Airport at Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, ininspeksyon ang nasabing parcel na nagpositibo sa ilegal na droga. Bunsod nito, agad nakipag-ugnayan ang NBI – Pampanga District Office sa mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs at Philippine National Police (PNP) para suriin ang nasabing…

Read More

Sa isyu ng impeachment KAMARA DESERVE DUE PROCESS – SOLON

IGINIIT ni Senador Loren Legarda na dapat bigyan din muna ng pagkakataon ang Kamara na gamitin ang lahat ng legal remedy kaugnay sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte bago tuluyang magdesisyon ang Senado. “Ang aking view, we should not decide prematurely until the House of Representatives has exhausted all legal remedies. So, due process must be observed regardless of where we stand on the issue in the pursuit of accountability and justice, truth and fairness must not be forgotten,” diin ni Legarda. Gayunman, nilinaw ng senador na…

Read More

KAPANGYARIHAN NG KAMARA PAHIHINAIN NG SENADO

TILA inamin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na mababalewala ang kanilang papel at kapangyarihan sa ilalim ng saligang batas sa magiging aksyon umano ng Senado sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ginawa ni Atty. Princess Abante ang pahayag dahil sa report na sa Miyerkoles, Agosto 6, ay pagbobotohan ng Senado ang desisyon ng Korte Suprema na nagbasura sa Impeachment case laban kay Duterte. “Any premature action—such as a Senate vote effectively abandoning the impeachment trial—may be interpreted as a disregard of due process. Worse, it may be…

Read More

49% NG PAMILYANG PINOY NAGSABING MAHIRAP – SURVEY

KINOKONSIDERA ng 49% ng pamilyang Pilipino ang kanilang sarili bilang ‘mahirap’. Ito ang lumabas sa pinakabagong self-rated poverty poll ng Social Weather Survey (SWS). Sa katunayan, base sa national survey ng SWS na isinagawa mula June 25 hanggang 29, natuklasan ng SWS na 49% ng pamilyang Pilipino ay ni-rate ang kanilang mga sarili bilang mahirap, isang porsiyento lamang mula sa 50% na iniulat noong Abril. Ayon sa survey, 10% ng mga respondents ay ni-rate ang kanilang mga sarili bilang “borderline” at 41% naman ay inisip ang kanilang mga sarili bilang…

Read More

Hindi lang nagsisingit ng pondo BICAM NAG-AAMYENDA RIN NG BATAS?

BUKOD sa pagsisingit ng pondo, mistulang lumalagpas na rin sa kanilang kapangyarihan ang mga miyembro ng Bicameral Conference committee dahil nag-aamyenda ang mga ito ng batas sa pambansang pondo na hindi na idinadaan sa regular na proseso. Ito ang nakatakdang isiwalat ni Davao City Rep. Isidro Ungab sa kanyang privilege speech ngayong araw kaugnay ng mga nakalkal na ilegal na ginawa umano ng mga miyembro ng Bicam sa 2025 national budget na pinaniniwalang labag sa saligang batas o unconstitutional. Ayon sa dating chairman ng House committee on appropriations at Ways…

Read More

SERBISYO NG DA, NAIS PALAWAKIN SA MGA LALAWIGAN

NAIS ni Senate Committee on Agriculture chairman Francis Pangilinan na palawakin ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang extension services sa pamamagitan ng pagbubukas ng bagong mga opisina nito sa bawat probinsya. Ayon sa senador, mayroon lamang regional offices ang DA, bagay na nagpapahirap sa mga magsasaka para makakuha ng sapat na suporta para sa kanilang mga anihan. “Ang extension service ay mali at pag hindi nakaugnay yung DA sa lupa, parang tanim (na) hindi tutubo. Kailangan nakatutok,” pahayag ni Pangilinan. “Nais nating dagdagan ng extension service na programa hindi…

Read More

UNIFIED ‘NO PARKING POLICY’ ITINULAK NG DILG

NGAYON pa lamang ay marami na ang sumusuporta sa planong pagpapatupad ng Unified NO Parking Policy sa buong Metro Manila, ayon sa Department of the Interior and local Government, kasunod ng direktibang magbuo ng polisiya hinggil sa planong iskema, ang lahat ng local government executives sa kalakhang Maynila. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, hinihikayat niya ang lahat ng Metro Manila mayors na magbuo ng Technical Working Group (TWG) na tutukoy sa major thoroughfares at Mabuhay lanes na ituturing na No Parking zones, at lumikha ng whole-of-city parking map para…

Read More

LCSP suportado PEATC PAGPAPATUPAD NG MODERN PAYMENT SYSTEM PINABIBILISAN

PINURI ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pahayag kamakailan ni PEA Tollway Corporation (PEATC) Chairman Engr. Anthony Peter Crisologo na nagpapahayag ng suporta para sa pagpapatibay ng mga karagdagang paraan ng pagbabayad ng toll, tulad ng mga e-wallet at debit/credit card. Sinabi ng LCSP, ang hakbang na ito ay umaayon sa patuloy na adbokasiya ng kanilang grupo para sa mga repormang nakasentro sa commuter at sumasalamin sa isang progresibong diskarte tungo sa paggawa ng mga sistema ng toll na mas inklusibo at mahusay. Ang PEATC, isang government-owned…

Read More

PAGHATAK NG CHINA COAST GUARD SA BRP SIERRA MADRE ITINANGGI NG AFP

MARIING nagbabala ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga nagpapakalat ng fake news at mga sinasadyang disinformation lalo na may kaugnayan sa West Philippine Sea. Tahasang ding kinondena ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang panibagong pagtatangka na iligaw ang publiko sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga luma o recycled footage na pinalalabas na mga bagong kaganapan sa karagatang bahagi ng Ayungin Shoal. Wala umanong katotohanan na na-tow o hinatak ng China Coast Guard ang BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal subalit tumatayong aktibong military…

Read More