PAGHATAK NG CHINA COAST GUARD SA BRP SIERRA MADRE ITINANGGI NG AFP

MARIING nagbabala ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga nagpapakalat ng fake news at mga sinasadyang disinformation lalo na may kaugnayan sa West Philippine Sea.

Tahasang ding kinondena ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang panibagong pagtatangka na iligaw ang publiko sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga luma o recycled footage na pinalalabas na mga bagong kaganapan sa karagatang bahagi ng Ayungin Shoal.

Wala umanong katotohanan na na-tow o hinatak ng China Coast Guard ang BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal subalit tumatayong aktibong military detachment ng AFP sa ibabaw ng aktibo at commissioned sea asset ng Philippine Navy.

Lumang video umano ang ikinakalat na naganap noong buwan ng Hunyo ng nakalipas na taon at pinalalabas na mga bagong pangyayari kung saan pinalalabas pang hinatak na ng China ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na kinumpirma rin ng Philippine Coast Guard.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson on the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, “I don’t know what’s the motivation of the Chinese Coast Guard kung bakit they have released this old video na nangyari noong nakaraang taon pa.”

“Is it worth responding to? I mean it already happened. This is an old video. I don’t really know what’s the motivation of the Chinese Coast Guard (CCG) why they released this old video,” ani Tarriela.

(JESSE RUIZ)

163

Related posts

Leave a Comment