P25-M SHABU NADISKUBRE SA PARCEL SA PAMPANGA

UMABOT sa 5.062 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P25,310,000.00 ang halaga, ang nadiskubre sa isang parcel sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga noong Hulyo 30, 2025

Ayon kay National Bureau Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, sa pakikipagtulungan ng Clark International Airport at Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, ininspeksyon ang nasabing parcel na nagpositibo sa ilegal na droga.

Bunsod nito, agad nakipag-ugnayan ang NBI – Pampanga District Office sa mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs at Philippine National Police (PNP) para suriin ang nasabing ilegal na droga.

Nabatid sa ulat ng NBI, ang nasabing droga ay nakalagay umano sa anim na malaking plastic sachet na nakatago sa parcel na naglalaman ng data cable roll sa bodega ng International Courier Service na FedEx.

Patuloy ang imbestigasyon sa consignee na nagparating ng nasabing kontrabando upang sampahan ng kaukulang kaso hinggil sa nadiskubreng ilegal na droga.

(RENE CRISOSTOMO)

79

Related posts

Leave a Comment