FCP COMMISSION ANG DAPAT MAG-IMBESTIGA

DPA ni BERNARD TAGUINOD DAPAT pairalin ng Kamara de Representantes at maging ng Senado ang delicadeza at ‘wag galawin o imbestigahan ang isyu sa mga anomalya sa flood control projects dahil pagdududahan ng taumbayan ang resulta ng kanilang imbestigasyon. Open secret na marami sa mga kongresista ang contractor, malalaking contractor sa government projects at malamang sa malamang ay nagkaroon sila ng kontrata sa flood control projects. ‘Yung sinasabi ni Sen. Ping Lacson na 60 congressmen ang may construction companies, mukhang maliit na bilang lang ‘yun. Baka hindi kasama ‘yung mga…

Read More

AMENDMENTS SA 2025 NATIONAL BUDGET IPINASASAPUBLIKO

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS SINABIHAN ni Navotas City Rep. Toby Tiangco si House Speaker Martin Romualdez na obligahin si Congressman Zaldy Co na isapubliko ang amendments na ginawa ng kanyang grupo sa 2025 national budget. “Otherwise we just covering up each other. If the leadership of the House will not demand it from Congressman Zaldy Co, that means we’re just trying to cover-up,” ayon kay Navotas City Rep. Toby Tiangco na nagsabing wala siyang planong tantanan ang “small committee” na pinaghihinalaan nitong nagsingit ng pondo sa 2025 national…

Read More

PATAY NA ANG IMPEACHMENT, MOVE-ON NA TAYO

PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG inilibing na o “archived” na ang impeachment laban kay Vice President Inday Sara Duterte, move-on na tayo. Ano pa ang saysay ng pag-iingay ng iba? Pati ba naman ang Korte Suprema ay kanilang kinuwestiyon sa ginawang desisyon na labag sa Saligang Batas ang nasabing impeachment laban kay VP Sara? Kung pati ba naman ang desisyon ng Korte Suprema ay hindi natin irerespeto, ano na ang mangyayari sa bansang Pilipinas? Noong Pebrero 5, 2025, inakusahan ang Pangalawang Pangulo ng mga paratang na gaya ng malaking…

Read More

GURO BINARIL SA ULO NG IBINAGSAK NA ESTUDYANTE

LANAO DEL SUR – Binaril sa ulo ng isang estudyante ang kanyang guro nang ibagsak siya nito sa isang subject, sa loob ng campus ng Balabagan Trade School sa Barangay Narra, sa bayan ng Balabagan Ayon sa ulat ng pulisya, binaril sa ulo si Danilo Barba, 34-anyos, ng kanyang estudyante na si alyas “Juan”, 20-anyos na Grade 11 student, dahil lamang sa hindi nito pagpasa sa isang subject. Ayon sa Balabagan Municipal Police Station, inako ng suspek ang pagpaslang sa kanyang guro bunsod ng matinding galit sa ibinigay na failing…

Read More

2 BARKO NG CHINA NA HUMABOL SA PCG NAGBANGGAAN

SA halip na magalit dahil sa tangkang pagbomba ng water cannon at ginawang peligrosong pagmamaniobra ng isang China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy, nag-alok pa ng tulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa mga Tsinong marino nang magsalpukan ang kanilang mga barko sa paghabol sa barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng “Kadiwa Para sa Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM)” operation malapit sa Bajo de Masinloc. Sa inisyal na ulat na ibinahagi ng Philippine Coast Guard, nagbanggaan ang barko ng Chinese Navy at China Coast Guard bunsod ng…

Read More

P.5-M MARIJUANA NASABAT SA TULAK

CAVITE – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Linggo ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Kuya”, nasa hustong gulang, ng Brgy. Habay 1, Bacoor City. Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang Regional Police Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni PLt. Col. Wilfredo Jimenez Jr., kasama ang Bacoor Component City Police Station, sa Tirona Highway, Brgy. Habay 1, Bacoor City, bandang alas-12:50 ng gabi. Nang nag-abutan na ng ilegal na droga…

Read More

P612.5-M CONFI FUNDS MULING UURIRATIN SA BUDGET HEARING

MULING tatanungin si Vice President Sara Duterte sa kanyang confidential funds na mahigit anim na raang milyong piso sa budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) na isa sa mga dahilan kung bakit ipina-impeach ito ng Kamara. Bukas, Miyerkoles ay inaasahang isusumite na ng Malacanang sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang 2026 National Budget na nagkakahalaga ng P6.793 Trilyon. “To the Vice President, eager na eager na po tayo na marinig ang sagot niyo at ipakita ang inyong ebidensya,” ani House deputy…

Read More

ALTERNATIBONG SISTEMA SA TOLL PAYMENT BILISAN – LCSP

HINIMOK ng Lawyers for Commuters and Protection (LCSP) ang Department of Transportation (DOTr) at ang Toll Regulatory Board (TRB) na maglunsad ng mas maraming toll payment options kasabay ng umiiral na RFID system. Nabatid na sa unang bahagi ng buwang ito, nagtakda si DOTr Secretary Vince Dizon ng timeline para sa Metro Pacific Tollways at San Miguel Corporation para maresolba ang RFID operational concerns sa unang kalahati ng 2026. Binigyang-diin din niya na ang buong interoperability—kung saan gumagana ang isang sticker ng RFID sa lahat ng tollway—ay nangangailangan ng pagresolba…

Read More

Kung walang mananagot – solon AKSYON NI MARCOS SA FLOOD CONTROL SCAM WA EPEK

(BERNARD TAGUINOD) TILA bitin ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa inisyal na report ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa flood control projects na nakopo umano ng 15 malalaking construction companies. “Initial, preliminary. Wala masyadong detalye tayong nakita,” ani House deputy minority leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio. Pinangalanan ni Marcos ang 5 construction companies na may FC projects sa halos lahat ng rehiyon sa bansa na kinabibilangan ng Legacy Construction Corporation, Alpha & Omega General Contractor and Development Corporation, St. Timothy Corporation, EGB Construction…

Read More