NATUNTON na ng PNP-Highway Patrol Group ang may-ari ng SUV na tila nambu-bully sa kalsada, na nakasabayan ni Sen. JV Ejercito. Matatandaan na ini-post sa social media ng mambabatas ang isang Toyota Landcruiser na gumagamit ng malakas na wang-wang. Ayon sa HPG, natunton na nila at pagmamay-ari ng isang negosyante ang nasabing SUV, na taga Lungsod ng San Juan. Sinabi ng may-ari na handa umano siyang makipagtulungan sa awtoridad, at isusuko niya ang wang-wang sa HPG at handang harapin ang reklamong unauthorized use of siren. Depensa ng may ari, hindi…
Read MoreDay: August 19, 2025
SOLAR IRRIGATION PROJECT BINISITA NI PBBM
PERSONAL na binisita nina Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr. at National Irrigation Administration (NIA) Administrator Engr. Eddie G. Guillen at nagsagawa ng ocular inspection sa RM Tan Solar Pump Irrigation Project (SPIP) sa Ormoc City, Leyte noong Lunes. Ang irrigation project na ginastusan ng P100 million, ay may kakayahang mapatubigan ang nasa 100 ektaryang sakahan na titiyak para sa sapat na supply para dalawang cropping seasons. Mabibiyayaan ng RM Tan Solar Pump Irrigation Project ang nasa 92 farmers at kanilang mga pamilya. Nabatid mula kay Eng. Guillen, oras na matapos…
Read MorePAGHAHANDA SA BANGSAMORO ELECTION NASA HULING YUGTO NA
NASA huling yugto na ng paghahanda ang Commission on Elections (Comelec) para sa Bangsamoro parliamentary polls sa Oktubre dahil ang pag-imprenta ng mga opisyal na balota ay magsisimula sa Agosto 24. Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, sisimulan ang pag-imprenta ng halos nasa 2.215 milyon na official ballots. Handa na rin aniya ang local source code. Natapos na rin ang field testing at ang mock elections na naging matagumpay. Kasunod nito ay magsasanay ng electoral boards at ang deployment na lamang ang huling natitirang paghahanda ng Comelec. Nagsagawa na…
Read More4 BANSA FULL SPECTRUM SA SALAKNIB 2026 WAR EXERCISE
FULL spectrum ang magaganap na Salaknib 2026 war exercise sa susunod na taon sa pagsasanib-puwersa ng land forces ng Philippine Army, United States, Japan at Australian Army na layuning patatagin ang kanilang interoperability capability sa Indo Pacific Region. Ayon kay Army Spokesman Col. Louie Dema-ala, kailangan nating mag-level up dahil sa mga makabagong hamon na hinaharap kasabay pa sa transition ng hukbo sa External Security Operations para matiyak na magiging isang maasahang puwersa sa pagtatanggol sa bansa. “And based on the evaluation natin of the past Salaknib exercises, we need…
Read MoreSa gitna ng gun ban 2 PATAY SA PAMAMARIL SA MAGUINDANAO DEL NORTE
MAS pinaigting ng pulisya ang kanilang police visibility sa bahagi ng Maguindanao del Norte kasunod ng dalawang kaso ng pamamaril-patay sa gitna ng umiiral na total gun ban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao noong Lunes ng gabi. Ayon kay Datu Odin Sinsuat Police Office chief, Lt. Col. Esmael Madin, “Police investigators are still working to determine the motives and identities of the attackers involved in the two incidents, but initial information gathered indicated the attacks were related to illegal drugs.” Ito ang inisyal na nakikitang motibo ng mga…
Read More11% LANG NAGAMIT NI VP SARA SA PONDO SA TEXTBOOK
BAGAMA’T kumpleto ng pondo para pambili ng textbooks sa mga pampublikong paaralan noong 2023, labing isang porsyento lamang ang ginamit ni Vice President at dating Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte. Ito ang nilalaman ng report ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na inilabas kasabay ng pagsisimula sa deliberasyon ng 2026 National Expenditure Program (NEP) na nagkakahalaga ng P6.793 trilyon. Hindi binanggit sa report kung magkano ang kabuuang halaga na inilaan ng Kongreso para pambili ng mga textbook subalit nagpahayag ang CPBRD…
Read MoreRECRUITMENT NG NPA SA MGA PAARALAN TUTUTUKAN NG PNP
TINIYAK kahapon ni PNP chief General Nicolas Torre lll, na kanilang tututukan ang patuloy na recruitment ng New People’s Army (NPA) sa mga paaralan. Ayon kay Torre, ito ang kanilang napag-usapan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa kanilang pulong. Tinawag ni Torre na bulok ang ideolohiya ng NPA na pilit nilang ipinakakalat. Dahil ang mga bata ay madaling turuan, sinasamantala naman ng mga ito. Target ng PNP na paigtingin ang awareness campaign laban sa NPA para hindi na makapanlinlang ng mga estudyante. Paiigtingin din ang seguridad sa…
Read MoreRECOVERED CARNAP VEHICLES OBLIGADONG BAYARAN NG INSURANCE
OBLIGADONG bayaran ng insurance company ang may-ari ng nakarnap na sasakyan kahit ito ay nabawi na, ayon sa Korte Suprema. Base sa desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, inatasan ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang UCPB General Insurance Company, Inc. na bayaran si Wilfrido Wijangco ng insurance claim kahit nabawi na ang kanyang nakarnap na sasakyan, alinsunod sa umiiral na insurance policy. Ayon sa Korte Suprema, tinutukan ng patalim ang anak ni Wijangco sa isang paradahan bago tangayin ng mga armadong lalaki ang sasakyan. Agad itong…
Read MoreBEAUTY QUEENS SA WORLD VISION’S #GIRLSCAN CAMPAIGN
NAGBIGAY ng talumpati sina Bb. Pilipinas International 2025, Ms. Katrina Anne Johnson, Bb. Pilipinas International 2025 1st Runner-up Ms. Dalia Varde Khattab at TV personality Ms. Joyce Pring, sa World Vision’s #GirlsCan campaign na ginanap sa Page One Headquarters sa Makati City noong Agosto 19, 2025. Ang kampanyang ito ay isang kilusan na naglalayong bigyang-lakas ang mga kabataang babae upang malampasan ang mga hadlang at makamit ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pagsusulong ng pantay na oportunidad sa edukasyon, pamumuno, at pakikilahok sa komunidad. Layunin din nitong basagin ang…
Read More