Sinita ng nakasabay na senador SUV NA GUMAMIT NG WANG-WANG NATUNTON NG PNP

NATUNTON na ng PNP-Highway Patrol Group ang may-ari ng SUV na tila nambu-bully sa kalsada, na nakasabayan ni Sen. JV Ejercito.

Matatandaan na ini-post sa social media ng mambabatas ang isang Toyota Landcruiser na gumagamit ng malakas na wang-wang.

Ayon sa HPG, natunton na nila at pagmamay-ari ng isang negosyante ang nasabing SUV, na taga Lungsod ng San Juan.

Sinabi ng may-ari na handa umano siyang makipagtulungan sa awtoridad, at isusuko niya ang wang-wang sa HPG at handang harapin ang reklamong unauthorized use of siren.

Depensa ng may ari, hindi umano siya ang gumamit ng wang-wang.

Samantala, nagbabala naman ang HPG sa mga gumagamit ng wang-wang na ipinagbabawal ito at may kaukulan itong parusa.

TOTO NABAJA

119

Related posts

Leave a Comment