CAVITE – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang riding in tandem na tumangay ng mahigit P237,000 halaga ng cash at merchandise mula sa niloobang vape shop sa Brgy. Maharlika East, Tagaytay City noong Lunes ng umaga. Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang itim na motorsiklo at tumakas patungo sa east direction ng Tagaytay City. Ayon sa salaysay ni Kathelyn Angcaya, 35, sales associate ng One Vape Tagaytay sa Brgy. Maharlika East, Tagaytay City, bandang alas-6:20 ng umaga nang mapansin nito na nagkalat ang mga kagamitan sa loob ng…
Read MoreDay: August 27, 2025
MOTORCYCLE RIDER PATAY SA PAJERO
CAVITE – Nasawi ang isang motorcycle rider habang kritikal ang misis nitong angkas makaraang mabangga ng isang Mitsubishi Pajero sa center island sa Trece Martires City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Dead on the spot ang driver ng isang Yamaha Mio Gear na may plakang 9980 TR, na si Cesar Luna, 43, habang nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang asawa nito, kapwa residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite. Samantala, hawak na ng pulisya ang driver ng Mitsubishi Pajero na may plakang ZHR 531, na…
Read More2 EPD COPS INIREKLAMO NG PANGHAHALAY NG KABARO SA MARIKINA
POSIBLENG maharap sa kasong administratibo at kriminal ang dalawang senior non-commissioned officer dahil sa sekswal na pang-aabuso. Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director, PBGen. Aden Lagradante, nangyari ang insidente noong Agosto 17 ng gabi habang naka-duty ang mga pulis. Batay sa imbestigasyon, pinatawag ng isang staff sergeant at isang patrolman ang 27-anyos na biktima na miyembro ng mobile force battalion habang sila’y nagpapatrolya. Habang nasa loob sila ng mobile patrol ay dito umano ginawa ng dalawang suspek ang sekswal na pang-aabuso sa 27-anyos na biktima. Kaagad naman dinisarmahan ang…
Read MoreSPECIAL AUDIT SA MBHTE-BARMM UKOL SA KATIWALIAN – COA
MARIING ipinag-utos ni Commission on Audit (COA) Chairman Gamaliel A. Cordoba ang pagsasagawa ng special audit laban kay Minister Mohagher M. Iqbal ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kaugnay ng umano’y reklamo ng anomalya sa paggamit ng pera ng taong bayan. Sinabi sa ulat na ang special audit ay reaksyon sa dalawang natatanging complaints laban kay Iqbal hinggil sa umano’y maanomalyang disbursement na may kabuuang halaga na P2.2 bilyon. Sa kanyang sulat noong Agosto 11, 2025 kay BARMM Chief…
Read MoreKahit may presensya ng Chinese vessels RORE MISSION SA AYUNGIN SHOAL, TULOY
ITO ang pagtiyak ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Navy Spokesman on West Philippine Sea. Ayon kay Rear Adm Trinidad, kahit lumaki pa ang presensiya ng mga Chinese vessel sa Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) sa West Philippine Sea (WPS), tuloy-tuloy ang gagawing rotation and resupply (RORE) missions para sa AFP contingent na nakatalaga sa BRP Sierra Madre (LS-57). “The rotation and reprovisioning of our forces is a moral obligation of the leadership of the Armed Forces, regardless of any threat, any coercive aggressive action, it will be conducted,” ani…
Read More3 DRUG PUSHERS TIKLO SA HIGIT P100K SHABU
TATLONG street-level drug personalities ang nadakip sa ikinasang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police sa lungsod noong Martes. Ang pagdakip sa tatlong suspek na sina alyas “Urmesh”, 50; “Vince”, 53; at “Jay”, 20, ay nagresulta sa pagkakakumpiska sa P139,400 halaga ng umano’y shabu. Ayon kay Makati CPS Officer-in-Charge Col. Reycon L. Garduque, sa gitna ng operasyon, nakumpiska ng SDEU operatives ang tinatayang 20.50 na gramo ng umano’y shabu, gray metallic Mitsubishi Xpander, cellular phone, at buy bust money. Inihahanda na ng mga awtoridad…
Read MoreP100K TINANGGAP NG 100 YEARS OLD LOLA SA TAGUIG
ISANG lola na 100 taong gulang ang nakatanggap ng cash gift na P100,000 mula sa Taguig City government. Personal na inihatid ni Mayor Lani Cayetano ang tseke kay Victoria Almazan sa kanyang tahanan sa Barangay Katuparan kasama sina Konsehal Raul Aquino at Edgar Baptista. “Maligayang ika-100 kaarawan, Nanay Victoria Almazan! Personal po nating binati si Nanay sa kanyang espesyal na araw at inabot ang kanyang P100,000 cheque mula sa Pamahalaang Lungsod. Taun-taon niya po itong matatanggap hangga’t siya ay nabubuhay,” isinulat ni Cayetano sa Facebook. Dagdag pa ni Cayetano, “Nanay…
Read MoreTORRE ‘DI MAGRE-RESIGN
WALA pang plano si dating Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III na magretiro kaya mananatili sa kanyang balikat ang 4-star na siyang pinakamataas na ranggo sa pambansang pulisya. Sa ambush interview kay Torre sa Batasan Pambansa kahapon matapos siyang magdala ng cake kay Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima na nagdiriwang ng kanyang kaarawan, sinabi ni Torre na ang kanyang appointment lamang bilang PNP chief ang tinanggal sa kanya at hindi ang kanyang ranggo. “Up to this moment there’s no turn-over so to speak off.…
Read MorePaalala ng LCSP sa DOTr DUE PROCESS SA SHAME CAMPAIGN PAIRALIN
PINAALALAHANAN ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang Department of Transportation o DOTr sa plano nitong shame campaign laban sa mga lumalabag sa batas trapiko. Ayon sa LCSP, mahalagang matiyak na nasusunod ang due process upang mapangalagaan ang karapatan ng mga motorista. Para maging legal anila ang isang shame campaign, kailangan itong nakaayon sa tamang proseso ng batas. Dapat bigyan ng patas na pagkakataon ang lumabag upang maipahayag ang kanyang panig at maipagtanggol ang sarili. Bukod dito, maaari anilang magdulot ng mga isyu sa privacy ang pagbubunyag ng…
Read More