9 KOREANS INARESTO SA ILLEGAL ONLINE GAMBLING ACTIVITIES

SIYAM na Koreano ang inaresto sa Cebu City dahil sa umano’y illegal online gambling operation at illegal detention sa isang empleyado, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong nakalipas na linggo. Ayon sa ulat ng PNP, ang lima sa mga suspek ay mayroong INTERPOL Red Notices, isang pandaigdigang alerto na inisyu sa mga nagpapatupad ng batas sa buong mundo. Nabatid na nagre-request ang International Police na hanapin at pansamantalang arestuhin ang tao o mga tao na pinaghahanap ng isang miyembrong bansa o isang internasyonal na tribunal. “The apprehension of these…

Read More

PAGYANIG SA ILOCOS NORTE, CEBU DULOT NG AFTERSHOCKS – PHIVOLCS

NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng aftershocks kasunod ng magnitude 5.0 na lindol na tumama sa karagatang sakop ng Ilocos Norte nitong Linggo ng umaga. Ayon sa ulat ng Phivolcs, bandang alas-9:45 ng umaga naramdaman ang pagyanig sa 63 kilometro hilagang-kanluran ng Currimao Island. Tectonic ang pinagmulan ng lindol at natunton ang sentro nito sa 10 kilometro na lalim. Pinayuhan ng mga otoridad ang mga residente sa rehiyon na manatiling alerto at maghanda ng precautionary measures sakaling makaranas ng mga aftershocks, lalo na sa mga…

Read More

SK CHAIRMAN AT KAPATID PATAY SA PAMAMARIL

INAALAM ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng gunman na pumaslang sa isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman at kapatid na pinagbabaril nitong nakalipas na linggo sa Jose Lim Street, Barangay Poblacion 5, Cotabato City. Kinilala ni Col. Jibin Bongcayao, Cotabato City police director, ang mga biktimang sina Prince Mohaz Rafsanjanie Matanog, SK Chairman sa Barangay Poblacion 5 sa Cotabato City, at Muamar Salvador Matanog. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang mga biktima ng pulang Toyota Raize na may plakang NFJ 8206, nang paputukan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.…

Read More

Trabahador ikinulong sa pumping station 2 EMPLEYADO NG PRIMEWATER KAKASUHAN

LAGUNA – Inaresto ng pulisya ang dalawang empleyado ng Prime Water matapos nilang ikandado at ikulong ang isang water operator ng Sta. Cruz Water District (SCWD) sa loob ng isang pumping station noong Biyernes ng gabi. Nag-ugat ang insidente sa hindi pagkakaunawaan matapos maipasara ang pasilidad. Kinilala ang biktimang nakulong na si alyas “Arleo”, 41-anyos, water operator ng SCWD. Samantala, ang inarestong mga suspek ay sina alyas “Ralph”, 42-anyos, at “Paull”, 39-anyos, parehong nagtatrabaho sa Primewater. Nangyari ang insidente dakong alas-7:20 ng gabi sa SCWD Pumping Station sa Barangay Patimbao.…

Read More

ANTI-CORRUPTION WALK, PRAYER RALLY ISINAGAWA

MAHIGIT 2,000 residente ng Balagtas, Bulacan ang nakiisa sa anti-corruption walk at prayer rally na pinangunahan ng San Lorenzo Diakono at Martir Parish Church at BCBP Bulacan East Chapter, bilang panawagan na wakasan ang korapsyon sa gobyerno kaugnay ng isyu ng ghost flood projects. (ELOISA SILVERIO) NASA halos 2,000 residente mula sa hanay ng Christian Catholic business group sa bayan ng Balagtas, Bulacan ang nagsagawa ng anti-corruption walk at prayer rally upang ipahayag ang kanilang pagtindig kontra korupsyon kaugnay ng isyu sa ghost flood control projects sa bansa, nitong Sabado,…

Read More

KONSTRUKSYON NG LTFRB CENTRAL OFFICE KONEKTADO SA DISCAYAS

MISTULANG umabot na sa bakuran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga galamay ng pamilya Discaya, matapos mabunyag na ang bagong proyekto ng ahensya sa Quezon City ay nasakop umano ng isa sa kanilang mga kumpanya. Batay sa ulat, ang proyekto ay pinamagatang “Disenyo at Pagtatayo ng LTFRB Central Office”, na kinabibilangan ng pagpapalit ng bubong, paglalagay ng waterproofing system, at pagtatayo ng bagong harapan ng gusali. Ang kontrata ay nagkakahalaga ng P49.6 milyon, at ang kumpanyang Alpha at Omega General Contractor and Development ang nanalo sa…

Read More

TULFO: PAGKAIN BAGO INTERBYU SA MGA BIKTIMA NG LINDOL

PINASALAMATAN ni Senate Committee Chairman on Social Justice, Welfare, and Rural Development Erwin Tulfo si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian sa utos nitong ibigay na muna ang mga pagkain at tubig sa mga biktima ng lindol doon bago sila isalang sa mga interbyu at paper works bilang requirement sa pagbibigay ng ayuda. Sa pagdalaw ni Sen. Tulfo, at iba pang kasamahan sa Senado tulad nina Senador Bong Go, Raffy Tulfo, at Jinggoy Estrada sa Bogo City, Cebu dalawang araw matapos ang lindol, narinig ng Senador…

Read More

LACSON PLANONG BUMITAW BILANG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIR

KINUMPIRMA ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na ikinukonsidera na niyang magbitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nagsisiyasat sa mga umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon kay Lacson, pinag-iisipan niya ang hakbang matapos makarinig ng mga pagkadismaya mula sa ilan sa kanyang mga kasamahan sa Senado kaugnay ng paraan ng kanyang pamumuno sa komite. Ito’y matapos umamin si Senador JV Ejercito na binalak niyang umalis sa Majority Bloc kasunod ng pahayag ni Lacson na halos lahat ng senador sa 19th Congress ay may “insertions” sa 2025 national…

Read More

Marcos gustong alisin bago siya patalsikin sa Kamara PEOPLE POWER NA – CONGMEOW

NANAWAGAN ng people power si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga para patalsikin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na aniya’y hindi nagsisilbi sa taumbayan kundi sa pamilya at mga kaalyado lamang nito sa pulitika. “My fellow citizen, President Marcos no longer serve the interest of the Filipino people but rather the interest of his family and his political allies,” saad ng bagitong mambabatas na anak ng yumaong congressman Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., sa kanyang social media page. Ayon pa sa mambabatas, sa tatlong taong pamumuno ni Marcos sa bansa, hindi…

Read More