PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA DAPAT ay umpisahan na natin ang pagtatayo ng kongkretong istruktura sa Spratlys, ito ay upang ipakita natin sa China, at sa mundo, atin, tayo ang may karapatang umangkin sa West Philippine Sea. Ang pagtatayo ng konkretong istruktura ay pagpapakita ng ating presensiya, at ang aktuwal na pag-okupa sa mga bahurang iyon na nakadaong ang ating mga gamit at sasakyang pandagat. Sa permanenteng istruktura, doon matatanim natin ang ating pambansang watawat at deklarasyon sa lahat: Atin ang WPS! Pero ang tanong: Handa nga ba ang…
Read MoreDay: October 8, 2025
OFW NA DUMULOG SA SAKSI NGAYON, NATULUNGANG MAKAUWI SA PILIPINAS
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG OFW na humingi ng saklolo sa OFW JUAN ng SAKSI NGAYON, ang matagumpay na nakauwi sa Pilipinas matapos ang sinapit na pang-aabuso sa Saudi Arabia. Ang ating kabayan na si Lilia Mae Abawan, ay isang household service worker sa Riyadh, Saudi Arabia, na dumulog sa ating SAKSI NGAYON upang humingi ng tulong matapos makaranas ng physical, verbal, at sexual abuse mula sa kanyang mga amo. Ibinahagi ni OFW Lilia Mae na matagal na siyang nagrereklamo sa kanyang Philippine agency – Hirotiger Inter…
Read MoreISANG BAGONG ANTAS NG KATAPATAN: ANG PANININDIGAN NI SPEAKER BOJIE DY
TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahong tila gasgas na ang salitang korupsyon at unti-unting kumukupas ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno, isang liwanag ang hatid ng paninindigan ni House Speaker Bojie Dy. Sa kanyang matapang na pahayag na, “Kung kakailanganing ipakita ang SALN ko, why not?”, malinaw ang kanyang mensahe—wala siyang itinatago at bukas siyang masuri ng publiko. Hindi madali para sa isang mataas na lider ng bansa ang maghayag ng ganitong posisyon. Maraming opisyal ang nagdadalawang-isip o umiiwas sa usaping SALN, subalit si Speaker Dy ay buong tapang…
Read MoreKAILANGAN NG BATAS PARA SA SNAP ELECTION – COMELEC
KAILANGAN ng batas sakaling magpatupad ng Snap elections sa bansa, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Comelec spokesperson Director John Rex Laudiangco, kung sakaling maipapasa ng Kongreso ang batas, ituturing itong national elections at kinakailangan din ng pondo kaya naman kailangan din ng sapat na panahon para sa paghahanda. Para maisagawa ang automated snap elections, sinabi ni Laudiangco na humigit-kumulang isang taon ang sapat na panahon para sa Comelec kabilang ang procurement ng automated election system, mga posibleng pagkwestiyon sa certificate of candidacy na maaaring umakyat pa sa…
Read MoreSOLON: P113-B ‘INVISIBLE INSERTIONS’ SA 2026 BUDGET
TADTAD pa rin ng “insertions” ang panukalang 2026 General Appropriations Bill (GAB) na nakatakdang pagtibayin sa ikalawang pagbasa ngayong linggo, ngunit itinago umano sa sambayanang Pilipino ang bulto ng dagdag na pondo. Ito ang ibinunyag ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio sa kanyang turno en contra, matapos niyang matuklasan ang umano’y P113 bilyong “invisible insertions” sa badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH). “Dahil sa tindi ng galit ng mamamayan, napilitang tanggalin ang P255 bilyong locally-funded flood control projects. Pero ang inilihim…
Read MorePOLITICAL DYNASTIES PINATATAG NG ‘PORK’, AYUDA NG MGA POLITIKO
PORK barrel, budget insertions at ayuda mula sa buwis ng taumbayan na ipinamimigay ng mga politiko sa kanilang mga nasasakupan ang siyang nagpapatatag sa mga political dynasty sa Pilipinas. Sa privilege speech ni Caloocan City Rep. Edgar Erice, kinastigo nito ang Mababang Kapulungan dahil sila mismo aniya ang dahilan kung bakit nasusunog na ngayon ang kapulungan. “Yes, Mr. Speaker — this House is on fire! At ang masakit na katotohanan: tayo mismo ang nagsindi ng apoy na ito. Noong mga nakaraang Kongreso, may mga apoy na. Ngunit sa 19th Congress,…
Read MoreHindi naharang ng sibat: REMULLA BAGONG OMBUDSMAN
IT’S FINAL! Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman ng bansa, kapalit ni Samuel R. Martires na natapos ang termino noong Hulyo. Nauna nang ibinunyag ni Sen. Imee Marcos na si Remulla ang napili ng Pangulo para sa posisyon noong Lunes, Oktubre 6, ngunit pinayuhan ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na huwag pangunahan ang anunsyo ng Pangulo. “Tingnan po muna natin. Huwag muna pong pangunahan ang Pangulo. Marami pong pagpipilian, pito po ang nasa shortlist,”…
Read MoreMAS MATIBAY NA PROTEKSYON NG BPO WORKERS ISINULONG NI VILLAR
NAGHAIN si Senadora Camille Villar, ng panukalang batas na layong palakasin ang proteksyon para sa mga manggagawa sa Business Process Outsourcing (BPO) sector. Nilalayon ng panukala na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga empleyado, lalo na matapos lumabas ang mga ulat hinggil sa mga BPO worker sa Cebu na pinilit umanong bumalik sa trabaho kahit may banta pa ng panganib matapos ang malakas na lindol. Mariing tinutulan ng mga manggagawang BPO sa Cebu ang umano’y return-to-work orders at banta ng pagkawala ng trabaho matapos nilang unahin ang kanilang kaligtasan…
Read MoreNAG-APPLY NG POLICE CLEARANCE, DINAMPOT
CAVITE – Imbes na police clearance, isang warrant of arrest ang natanggap ng isang lalaki nang arestuhin sa Dasmariñas City noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon nang nagtungo ang suspek na si alyas “Gima” sa Dasmariñas Component City Police Station upang mag-apply ng police clearance na kailangan sa trabaho. Makalipas ang ilang minutong paghihintay, imbes na police clearance ang matanggap ay inisyuhan siya ng warrant of arrest na inilabas ni Assistant Judge Elenita Carlos Dimaguila, ng Regional Trial Court, National Capital Region, Branch 112, Pasay…
Read More