120 ESTUDYANTE, GURO NA-FOOD POISON

UMABOT sa mahigit 120 estudyante at guro mula sa Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) sa Lucena City, Quezon Province ang isinugod sa Immaculate Concepcion Hospital sa Baybay City, Leyte matapos makaranas ng pagsusuka at pananakit ng tiyan na hinihinalang dulot ng food poisoning. Ayon kay Engr. Arvin Monge, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Leyte, unang dinala sa pagamutan madaling-araw noong Huwebes ang mahigit 50 estudyante. Kinumpirma rin ang insidente ng Department of Health–Eastern Visayas, at nina Baybay City Information Officer Marissa Cano at Dr. Christine Baldevia,…

Read More

SUSPEK SA PAGPATAY SA ABC PREXY ARESTADO

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga — Matapos ang mahigit isang taong pagtatago, naaresto sa isinagawang police operation ang isa sa apat na mga suspek sa pagpaslang kay Bulacan Association of Barangay Captains president, Bokal Ramil Capistrano at sa driver nito noong Miyerkoles ng madaling-araw sa Barangay Tangos South, Navotas City. Ang arestadong suspek ay iniharap nina Governor Daniel Fernando, Vice Gov. Alex Castro at Bulacan PNP provincial director, PCol. Angel Garcillano sa media sa ginanap na press conference sa Camp Alejo Santos sa Malolos City, na kinilalang si…

Read More

DEADLINE SA PAGLILINIS NG MGA PUNTOD ITINAKDA SA MAYNILA

NAGPALABAS ng deadline ang pamunuan ng Manila North Cemetery at Manila South Cemetery na hanggang Oktubre 27, 2025 ang itinakdang huling araw para magsagawa ng paglilinis ng mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay na nakalibing sa dalawang pangunahing kampo santo sa bansa. Sa MNC, tinatayang aabot sa dalawang milyong Pilipino ang daragsa para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas season mula Oktubre 29, 2025 hanggang Nobyembre 2, 2025. Kaugnay sa paggunita ng All Saint Day ng sambayanang Pilipino, inihayag ng pamunuan ng North Cemetery na itinakda…

Read More

PAGTUGON SA SAKUNA TINALAKAY NG OCD

BUNSOD ng sunod-sunod na kalamidad at mga disaster dulot ng mga nagdaang bagyo at serye ng malalakas na paglindol, nagpasya ang Office of Civil Defense na bumalangkas ng mga hakbangin para mapalakas ang pagtugon ng bansa sa mga sakuna. Isang command conference ang ginanap ng Office of Civil Defense (OCD) sa pangunguna ni Administrator Undersecretary Harold Cabreros, para talakayin ang pagpapalakas ng pagtugon ng pamahalaan sa mga sakuna sa bansa. Sa nasabing conference, nagbigay si Cabreros ng seven-point resilience agenda kung saan kabilang dito ang pagrerebyu sa operational activities na…

Read More

39 KATAO DINAMBA NG PNP-ACG SA ONLINE SCAM HUB

INARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group ang 39 na indibidwal na sangkot sa pagpapatakbo ng online scam hub. Kabilang sa mga inaresto ang isang Taiwanese national at walong Chinese national. Matagumpay ang isinagawang operasyon ng ACG katuwang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation at Securities and Exchange Commission sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data sa online scam hub sa Malate, Maynila. Ayon sa ACG, idinaraan sa romance at investment fraud ang isinasagawang panloloko sa mga biktima. Upang makapang-akit ang mga…

Read More

NAPOLCOM MAY DESISYON NA SA MISSING SABUNGEROS CASE

INIHAYAG kahapon ng National Police Commission (Napolcom) na handa na ang kanilang desisyon hinggil sa administrative complaint na isinampa laban sa 12 police officers na idinadawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay Napolcom Vice Chairperson and Executive Officer Commissioner Rafael Calinisan, may draft na sila ng kanilang resolusyon at ang Department of Justice (DOJ). “Happy ako doon kasi inaantay ko talaga ‘yun eh. Nasa mesa na namin ‘yung draft, pero hindi pa namin inuupuan para i-deliberate at ilabas kasi precisely inaantay namin ‘yung DOJ resolution,” ani Calinisan sa…

Read More