INARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group ang 39 na indibidwal na sangkot sa pagpapatakbo ng online scam hub.
Kabilang sa mga inaresto ang isang Taiwanese national at walong Chinese national.
Matagumpay ang isinagawang operasyon ng ACG katuwang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation at Securities and Exchange Commission sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data sa online scam hub sa Malate, Maynila.
Ayon sa ACG, idinaraan sa romance at investment fraud ang isinasagawang panloloko sa mga biktima.
Upang makapang-akit ang mga suspek ay gumagawa ang mga ito ng VIP accounts sa mga dating app at gumagamit ng AI-enhanced social engineering tactics.
Kapag nakuha na ang tiwala ng kanilang target at makuha ang personal na financial information ng mga biktima, hihikayatin na ang mga ito na mag-invest sa cryptocurrency platform.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 267 digital evidence kasama ang 36 computers at 200 mobile phones.
Nahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code, SIM Registration Act, at Cybercrime Prevention Act of 2012.
(TOTO NABAJA)
26
