P714K ILLEGAL DRUGS NASAMSAM SA LUCENA

QUEZON – Isang itinuturing na high-value target sa bentahan ng ilegal na droga ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit (QPDEU) sa Barangay Silangang Mayao, Lucena City pasado alas-singko y medya ng hapon, noong Biyernes. Kinilala ang suspek sa alyas “Boy”, 44 na taong gulang, at residente ng Barangay Mayao Crossing. Naaresto ito matapos nitong bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap bilang buyer. Sa isinagawang paghalughog, nakumpiska mula rito ang kabuuang tatlong sachet at isang plastic bag na naglalaman…

Read More

P6-M MARIJUANA PLANTS SINUNOG NG PDEA

ILOCOS SUR – Tinatayang umabot sa P3.7 milyong halaga ng cannabis sativa plants ang sinunog sa lalawigan sa isinagawang joint marijuana plant eradication sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency noong Huwebes. Ayon sa ulat, limang marijuana plantation ang sinalakay ng mga operatiba ng PDEA sa Brgy. Licungan, Sugpon ng nabanggit na lalawigan na pinagbubunot bago tuluyang sinunog. Naging katuwang sa marijuana eradication mission ang mga tropa ng Sugpon MPS (lead unit), ISPDEU, 1st ISPMFC, 2nd PMFC, PDEA RSET, PDEA RO1-ISPO, PDEA RO1-INPO, ISPIU, at ISPIDMU (KIMAT members) nang madiskubre…

Read More

UNIBERSIDAD SA CAVITE NAKATANGGAP NG BOMB THREAT

CAVITE – Nabulabog ang mga empleyado, faculty at mag-aaral ng isang kilalang unibersidad matapos nakatanggap ng tawag na umano’y pasasabugin ang campus sa Carmona City noong Sabado ng umaga. Ayon sa isang estudyante na si “Athena”, papasok siya sa CAVSU, Carmona Campus sa Brgy. Maduya, nang tawagin siya ng isang lalaking nakasuot ng maong pants, itim na t-shirt, itim na jacket, blue bull cap at itim na face mask bandang alas-8:42 ng umaga, Noong una’y hindi nito pinansin, subalit nang tanungin kung nag-aaral ito sa CAVSU at sinagot niya ng…

Read More

2 NAKURYENTE SA QUEZON

QUEZON – Dalawang lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pagkakakuryente sa mga bayan ng Lopez at General Luna sa lalawigan noong Biyernes, ayon sa ulat ng pulisya. Unang naitala ang insidente sa Barangay Pamampangin sa Lopez Lopez, dakong alas-5 ng hapon, kung saan nasawi ang biktimang si “Rome”, 59-na taong gulang, isang negosyante at residente ng nasabing barangay. Batay sa imbestigasyon ng Lopez Municipal Police Station, bandang alas-7:30 ng umaga ay umalis ang biktima upang manguha ng saging sa kanilang taniman. Nang hindi ito nakauwi pagdating ng tanghali,…

Read More

7 SA BAWAT 10 PINOY TUTOL SUMAWSAW MILITAR SA PULITIKA

AYAW ng karamihan sa mga Pilipino na pasawsawin ang militar sa pulitika. Ito ang lumabas sa Tugon ng Masa Q3 2025 survey ng OCTA Research, kung saan 70% ng mga Pinoy ang mariing tumutol sa anomang military intervention sa political affairs ng bansa. Ayon sa OCTA, malinaw na ipinapakita ng resulta ang “malalim at matatag na paniniwala ng mga Pilipino sa demokrasya, civilian rule, at constitutional governance.” Tanging 5% ang pabor sa military involvement habang 22% ang undecided. Pinakamataas ang pagtutol sa Mindanao (79%) at NCR (78%), ayon sa survey.…

Read More

LIFETIME BAN NG LTO SA LISENSIYA NG ROAD RAGE DRIVERS SUPORTADO NI TULFO

SUPORTADO ni Sen. Erwin Tulfo ang rekomendasyon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Atty. Markus Lacanilao na kumpiskahin o bawiin na habambuhay ang lisensiya ng mga road rage driver. Ginawa ni Asec. Lacanilao ang pahayag matapos ang magkasunod na road rage incidents sa Tarlac City, Tarlac at Binan, Laguna kamakailan lang. “Tama lang na hindi na payagang magmaneho pang muli ang mga driver na nagwawala sa lansangan lalo na kapag nakapanakit ito o nakasira ng isang bagay,” ani Sen. Tulfo sa isang panayam. Paliwanag ng mambabatas, “Pag hindi mo kasi…

Read More

HIGIT 60 GHOST PROJECTS NATUKOY NG AFP

TAHIMIK ngunit puspusang kumikilos ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para beripikahin ang mahigit 16,000 flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa gitna ng isyu ng mga ghost projects. Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., personal na humiling si DPWH Secretary Vince Dizon ng tulong mula sa militar upang tukuyin at beripikahin ang mga proyekto batay sa project names at coordinates. Sa paunang operasyon ng AFP, 800 proyekto na ang natunton at mahigit 60 rito ang lumabas na ghost projects.…

Read More

HIGIT 5K POLICE HELP DESKS ILALATAG NGAYONG UNDAS 2025

MAGLALATAG ng mahigit 5,000 Police Assistance Desks (PADs) ang Philippine National Police (PNP) sa buong bansa bilang bahagi ng paghahanda para sa seguridad sa nalalapit na paggunita ng Undas 2025. Ayon kay PNP-Public Information Office chief Police Brig. Gen. Randulph Tuaño, itatayo ang mga PADs sa matataong lugar tulad ng mga sementeryo, simbahan, bus terminal, pantalan, at iba pang pampublikong lugar na inaasahang dadagsain ng mga tao. Sinabi ni Tuaño na mahalaga ang proactive police visibility upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng publiko, at maiwasan ang anumang ilegal…

Read More