VOLUME NG TRUCK SA MAYNILA LUMIKHA NG TRAPIK

LUMIKHA ng pagsisikip ng trapiko ang paglobo ng bilang ng mga truck na pumupunta at lumalabas ng mga pantalan ngayong Undas sa Capulong Street, sa Tondo, Maynila partikular sa area ng Manila International Container Terminal (MICT) access roads, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA). Dahil dito, nakipagkoordinasyon ang PPA-MICT at International Container Terminal Services Inc. sa Manila Traffic and Parking Bureau at Metropolitan Manila Development Authority para magsagawa ng traffic management measures at tiyakin na isang lane lang ang ookupahin ng mga truck. “Affected truck drivers and other motorists are…

Read More

P482-M COUNTERFEIT APPARELS NASABAT NG BOC

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng kanilang Intellectual Property Rights Division, ang sari-saring pinekeng garments o counterfeit wearing apparel na nagkakahalaga ng P482 milyon, at may tatak ng mga kilalang international at local brands. Ang isinagawang operasyon ay kaugnay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapaigting ang border security at protektahan ang consumers mula sa counterfeit at substandard goods. Ang shipment na dumating sa Port of Manila ay nagmula pa sa Bangladesh. Pero para iligaw at makaiwas sa profiling system ng Customs, ay idinaan…

Read More

BI FULL FORCE SA UNDAS

FULL force ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng paliparang internasyonal sa buong bansa ngayong Undas, dahil inaasahang libu-libong biyahero ang magtutungo sa iba’t ibang destinasyon upang samantalahin ang mahabang weekend. Sinabi ng BI, inaasahan nilang dadagsa ang mga pasahero sa mga pangunahing paliparan simula Biyernes hanggang sa susunod na linggo kasunod ng pagdedeklara sa Oktubre 31 bilang special non-working holiday. Tiniyak ng BI ang maayos na pagproseso ng dumarating at umaalis na mga pasahero. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, nagpadala na ang ahensya ng karagdagang mga…

Read More

TRAFFIC ADVISORY SA MAYNILA NGAYONG UNDAS 2025

INANUNSYO ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang ilang kalsada na pansamantalang isasara at re-routing ng mga sasakyan upang mapanatili ang kaayusan sa paggunita sa Undas 2025. Ayon sa MTPB, isasara ang nabanggit na mga kalsada alas-10:00 ng gabi ng Oktubre 30, 2025 hanggang alas-7:00 ng gabi ng Nobyembre 3, 2005. Kabilang sa mga isasara ang kahabaan ng Blumentritt St. mula A. Bonifacio hanggang Aurora Blvd.; kahabaan ng Dimasalang mula Retiro St. hanggang Calavite St.; kahabaan ng Maceda mula Makiling St. hanggang Dimasalang St.; Southbound Lane ng Dimasalang Bridge;…

Read More

Taliwas sa kwento ni Defensor NAVY WALANG PAKI KAY GUTEZA

ITINANGGI ng Philippine Navy na nasa kustodiya o proteksyon ng Philippine Marines si Mr. Orly Regala Guteza, ang tinaguriang “surprise whistleblower” sa multi-bilyong pisong flood control project scandal ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ang tugon ng Hukbong Dagat ng Pilipinas kasunod ng pahayag ni dating congressman Mike Defensor na umano’y pinoprotektahan ng Marines si Guteza at kasalukuyan itong nanunuluyan sa loob ng Marines compound. Sa opisyal na pahayag ni Capt. Marissa Martinez, tagapagsalita ng Philippine Navy, nilinaw niyang, “The Philippine Navy emphasizes that Mr. Orly Regala…

Read More

Kaanak ng Missing Sabungeros inip na DOJ KINALAMPAG PARA SA AGARANG HUSTISYA

KASABAY ng paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa, sumugod kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang mga kaanak ng Missing Sabungeros upang kalampagin ang kagawaran at igiit na bilisan ang paglabas ng resolusyon sa kaso ng kanilang mga nawawalang mahal sa buhay. Bitbit ang galit at panawagan para sa hustisya, inihayag ng mga pamilya ang labis na pagkadismaya sa umano’y kabagalan ng proseso ng DOJ. Hiling nila na agad mapanagot ang mga itinuturong sangkot sa krimen, kabilang si gaming tycoon Charlie “Atong” Ang, celebrity Gretchen Barretto, at iba pang personalidad.…

Read More

“THRILLA IN MANILA 2”: PAGPUPUGAY SA GINTONG PANAHON NG BOXING

PINATUNAYAN Pinatunayan ni Melvin Jerusalem ang kanyang pagiging hari ng strawweight matapos talunin si Siyakholwa Kuse sa pamamagitan ng 12-round unanimous decision sa main event ng Thrilla in Manila II, bilang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng laban nina Muhammad Ali at Joe Frazier sa Araneta Coliseum. Kuha ni DANNY BACOLOD NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga boxing fans sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng “Thrilla in Manila” na ginanap Miyerkules ng gabi, Oktubre 29, sa Smart Araneta Coliseum — ang mismong lugar kung saan naganap ang makasaysayang…

Read More

PAGPAPALAKAS SA ICI PANUKALA NI TIANGCO

ISINUSULONG ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang isang panukalang batas na layong palawakin ang kapangyarihan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang maging mas epektibo sa pagbusisi at pagsugpo sa korapsyon sa mga proyektong pang-imprastruktura ng gobyerno. Sa ilalim ng House Bill No. 5699, itinataguyod ni Tiangco ang paglikha ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) — isang mas malakas na bersyon ng ICI na maaaring magsagawa ng imbestigasyon, pagdinig, at pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal na sangkot sa katiwalian. “Humihingi ang taumbayan ng mekanismong magtitiyak ng transparency…

Read More