UGANDAN NAT’L HULI SA NAIA DRUG INTERDICTION OPS

ARESTADO ang isang Ugandan national ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs matapos masabat ang tinatayang 6,250 grams ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride (shabu) na may street value na aabot sa P42,500,000.00 sa isinagawang anti-narcotics interdiction operation sa Customs Exclusion Room, Arrival Area, NAIA Terminal 3 noong Martes ng gabi.

Kinilala ang banyagang umano’y drug trafficker na si alias “Adnan,” 45-anyos na Ugandan national, isang negosyante na dumating sa Pilipinas mula sa Antananarivo, Madagascar, na may connecting flight sa Pilipinas.

Sa isinagawang joint interdiction operation ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) na binubuo ng PDEA, BOC– Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF), PNP Aviation Security Group (AVSEGroup), Airport Police Department (APD), PNP Drug Enforcement Group (DEG), National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Immigration (BI), nadiskubre ang limang improvised packaging tape bags na naglalaman ng crystal meth na nakatago kasama ng mga damit, toys, at iba pang personal items.

Kabilang sa nasamsam ang isang gray luggage na pinaglalagyan ng illegal substance, Ugandan passport, boarding pass, isang black backpack with personal belongings, bank cards, isang mobile phone, US dollar bills, at isang company identification card.

Isinumite sa PDEA Laboratory Service ang nakumpiskang droga para sa chemical analysis, habang ang nadakip na suspek ay isasailalim agad sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(JESSE RUIZ)

17

Related posts

Leave a Comment