PARANOID NA BA TALAGA ANG ADMINISTRASYON?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY punto ang sinabi ni Vice President Inday Sara Duterte sa isang press conference sa Kamuning Bakery sa Quezon City kamakailan, na “paranoid” na ang administrasyon ni Junjun Marcos dahil mapaghinala ito. Sa nasabing pulong-balitaan sa World Pandesal Day, sinabi ni VP Sara na lahat ay pinagdududahan na ni Junjun Marcos. Sabi tuloy ng iba sa kanya (PBBM), napapraning na siya at hindi na malaman kung ano ang sasabihin sa mga Pilipino na kaliwa’t kanang bumabatikos sa kanya gamit ang social media. Lalo na itong…

Read More

ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL PAPAYAGAN KAYA?

DPA ni BERNARD TAGUINOD ISA sa dalawang paraan, ayon kay House Speaker Bojie Dy, para mawala kundi man mabawasan ang katiwalian at magkaroon ng kaunlaran sa bansa at maibalik ang tiwala ng mga tao sa gobyerno, ay ang pagsasabatas ng anti-political dynasty bill na nakasaad sa Saligang Batas. Ang tanong ngayon ay kung papayag ba ang congressmen at senators na maisabatas nang tuluyan ang panukalang ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na 70 percent sa mga miyembro ng Kamara ngayon ay mula sa political families. Kung ngayong…

Read More

ONLINE NA BAGYO: TAKOT NA HINDI GALING SA ULAN

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HINDI lang hangin ang umaalon sa panahon ng bagyo. Minsan, mas malakas pa ito sa Wi-Fi. Tuwing may malakas na bagyo, mas mabilis pang kumalat ang content ng mga tao sa social media kaysa ulan na bumabalong sa kalsada. Puno ng photos at videos ang feed natin, nagpapakita ng baha, nabuwal na puno, at mga taong nag-aalala. Pero ang tunay na bagyo ay hindi laging nasa labas. Minsan, ito rin ay umuusbong sa screens natin, kung saan mabilis kumalat ang maling impormasyon at pekeng…

Read More

ANG DEAL NG MGA KAWATAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PANIC mode na raw ang mga mandarambong. Naku, ba’t naman natataranta na ang mga tulisan ng pera ng bayan? Nasagap natin sa bulong-bulungan, may mga dambuhalang kontratista at opisyal na sangkot sa bilyong flood control projects ang kumikilos ngayon para mapigilan ang posibleng pagpasok nila sa selda. ‘Yan pala kaya tuliro na. Bakit hindi e ang balita isasampa na ng Ombudsman ang kaso sa Sandiganbayan. At alam n’yo ba? WALANG PIYANSA! Isang libong tao daw ang posibleng makulong! Buti sana kung isang libo’t isang tuwa kaso…

Read More

GINANG PATAY SA SUNTOK NG LIVE-IN PARTNER

CAVITE – Patay ang isang ginang makaraang suntukin sa panga ng kanyang live-in partner nang hindi sumunod sa utos ang biktima na maghugas at magligpit ng kanilang pinag-inuman noong Martes ng gabi sa bayan ng Tanza sa lalawigan. Isinugod pa sa MV Santiago Hospital ang biktimang si alyas “Daisy” subalit hindi umabot nang buhay. Arestado naman ang suspek na si alyas “Alexis” sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas-10:00 ng gabi sa bahay ng mag-live-in sa Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite kung…

Read More

CARNAP SUSPECT NASAKOTE SA MALABON

ARESTADO ang isang wanted person sa kasong carnapping sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City. Ayon sa ulat, ang 29-anyos na suspek na si alyas “Bugoy” ay kabilang sa talaan ng most wanted persons ng Caloocan City Police Station, kaya pinaigting ng pulisya ang pagtugis sa kanya. Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon City Police, hinggil sa kinaroroonan ni Bugoy ay kaagad ikinasa ang operasyon laban sa suspek. Dakong alas-3:50 ng hapon nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng…

Read More

SUPER TYPHOON UWAN DEATH TOLL 27, INJURED 36

UMAKYAT na sa 27 ang bilang ng iniulat na nasawi bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan habang nasa 36 naman ng reported injured, karamihan ay dahil sa nangyaring landslides, ayon sa ibinahaging datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkoles ng umaga. Naniniwala si Office of Civil Defense Deputy Administrator Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV, hindi na gaanong madaragdagan ang bilang ng mga nasawi bunsod ng ulat na may dalawa na lamang na nawawala sa area ng Cordillera Administrative Region. “… pero hindi kasing dami…

Read More

PULIS NA NANGHOLDAP AT NAPATAY, BAON SA UTANG

pulis

INIHAYAG ng Philippine National Police na baon sa utang ang police captain na nangholdap sa isang convenience store sa Marilao, Bulacan at napatay ng kanyang mga kabaro. Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni National Capital Region Police Office spokesperson, Police Major Hazel Asilo, sa kanilang background checking kay Police Captain Ronnie Sarto ay nabatid na sagad ito sa loan. Matatandaang nangholdap si Sarto sa isang convenience store sa Barangay Sta. Rosa l sa Marilao, Bulacan at napatay ng kanyang mga kabaro sa pagresponde sa Heritage Subdivision sa…

Read More

Para sa humanitarian assistance 2 TEAM NG MMDA IPINADALA SA AURORA, NEGROS OCC

NAGPADALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dalawang humanitarian assistance and disaster response team sa Aurora at Negros Occidental na nasalanta ng Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan. Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, dalawang team na bumubuo ng tig-10 personnel mula sa Public Safety Division and Emergency Group (PSDEG), ang kanilang idineploy bitbit ang 20 water and purification units. Layon nito na tumulong at mabigyan ng malinis na inuming tubig ang mga nabiktima o nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Sinabing kaya ng isang mobile purifying machine na…

Read More