SINIMULAN na ng NLEX Corporation ang improvement sa shoulder road ng nasabing tollway upang makatulong sa posibleng pagbigat ng trapiko ngayong holiday season. Ang clearing at regrading sa shoulder road ng tollway mula sa Harbor Link Interchange hanggang Marilao ay naglalayong mapadali ang daloy ng mga sasakyan at mapanatili ang kaligtasan sa kalsada. Sumasaklaw sa humigit-kumulang 10,000 linear meters sa magkabilang direksyon, ang proyekto ay kinabibilangan ng pag-alis ng naipon na buhangin at damo upang mapakinabangan ang espasyo, pagpapanumbalik ng wastong cross-slope para sa pinahusay na drainage ng tubig-ulan, at…
Read MoreDay: November 15, 2025
Sumigaw sa liga ng barangay binaril BRGY. LUPON, KASAMA TINUTUGIS SA PAGPATAY
CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang isang opisyal ng Lupong Tagapamayapa sa isang barangay at kasama nito na bumaril at nakapatay sa isang construction worker na sumigaw sa loob ng basketball court sa Bacoor City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Ricky”, 28, binata, ng Brgy. Talaba 2, Bacoor City, namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tama ng bala sa katawan. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si alyas “Rico”, isang Lupong Tagapamayapa ng nasabing barangay, at isang alyas “RJ” na tumakas matapos…
Read MoreP20.4-M SHABU NASABAT SA 5 HVTs SA CAVITE
CAVITE – Umabot sa P20.4 milyong halaga ng crystal meth o shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilunsad na anti-narcotics operation katuwang ang iba pang law enforcement agencies, at nadakip limang drug personalities noong Miyerkoles ng gabi sa lalawigan. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerezi, isang joint anti-drug operation ang inilunsad ng kanyang mga tauhan, katuwan ang Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) Northern District Office, PDEA Cavite Provincial Office, Cavite…
Read MoreAFP NAGBABALA SA RALLY ORGANIZERS KONTRA INFILTRATORS
NAGLABAS ng babala ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa rally organizers na bantayan ang kanilang hanay para huwag mapasukan ng infiltrators at agitators na layong maghasik ng karahasan sa gitna ng isasagawang kilos-protesta. Kasabay nito, inihayag ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner na may mga nasasagap silang intelligence information na baka mapasukan ng infiltrators ang dalawang malaking kilos-protesta na gaganapin ngayong Linggo kabilang ang bantang pagpapasabog ng granada ng ilang indibidwal para lumikha ng kaguluhan. Ayon kay Gen. Brawner, ang nasabing impormasyon ay nakaabot na rin sa Philippine…
Read MoreELECTION OFFENSE ISINAMPA LABAN KAY ESCUDERO
NAGHAIN ng reklamong paglabag sa halalan ang civil society group na ‘The Silent Majority-Silent No More’ laban kay Senator Chiz Escudero sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes ng umaga. Ayon kay Jozy Acosta-Nisperos, presidente ng nasabing grupo, dapat pagmultahin, mapakulong, idiskwalipika at hindi na payagang makatakbo pa sa anomang posisyon sa gobyerno ang mga dapat managot lalo na kapag napatunayang nagkasala. “If found guilty, which we believed he is– is perpetual disqualification from public office which naturally it follows that he will be removed from office,” saad…
Read MoreHABEAS CORPUS INIHAIN SA SC PARA KAY MARY JANE VELOSO
SUMUGOD sa tanggapan ng Korte Suprema ang mga tagasuporta ni Mary Jane Veloso kasabay ng paghahain nila ng Petition for Habeas Corpus Taon 2010 nang maaresto si Mary Jane sa Indonesia makaraang mahulihan ng 2.6 kilos ng heroin. Ayon kay Mary Jane, ito ay ipinabitbit lamang sa kanya ng kanyang mga recruiter na sina Cristina Sergio at Julius Lacanilao, pero hindi umano niya alam na droga ang laman ng maleta. Ilang taon niyang binuno ang pagkakakulong sa nasabing bansa ngunit hiniling ng gobyerno ng Pilipinas na pauwiin siya sa bansa…
Read MorePAGPUPUGAY KAY JPE
Inilagay ng Senado sa half-mast ang bandila ng Pilipinas bilang pagluluksa at pagrespeto sa pagpanaw ni dating Senate President at Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile, na pumanaw kahapon dakong alas-4 ng hapon sa edad na 101 sa kanilang tahanan. (Danny Bacolod) NAGBIGAY-PUGAY ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kay yumaong Juan Ponce Enrile bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa Department of National Defense, sa Sandatahang Lakas, sa pambansang seguridad at pagpapalakas ng kakayahan ng pulisya. Sa pangunguna ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ay…
Read MoreNo coup, no junta pero… AFP BINEBERIPIKA KUNG MAY SANGKOT NA AKTIBONG SUNDALO SA DESTAB PLOT
“HINDI tayo magkukudeta, hindi tayo magmi-military junta, dahil ang kawawa ay ang ating bansa kapag ginawa namin ito.” Ito ang mariing inihayag ni Armed Forces Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. nitong Biyernes sa panayam ng media sa pagtatapos ng AFP DAGIT-PA joint exercise sa Camp Aguinaldo Quezon City. Maging si Defense Secretary Gilberto Teodoro ay minaliit lamang ang bantang destabilization laban sa kasalukuyang administrasyon. Kasabay ng pahayag na sagabal lamang sa kanilang gawain kung iintindihin pa ang mga pinalulutang na destab isyu at umano’y panghihikayat ng retiradong military…
Read MoreZALDY CO NAGSALITA NA: MAGPINSANG PBBM, ROMUALDEZ NILAGLAG
BINASAG na ng nagbitiw na Ako Bicol Rep. Zaldy Co ang kanyang pananahimik kaugnay ng mga alegasyong konektado sa umano’y flood control anomaly. Sa inilabas niyang video nitong Biyernes, Nobyembre 14, direkta niyang inakusahan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dating House Speaker Martin Romualdez, at ilang miyembro ng gabinete — kabilang si Budget Secretary Amenah Pangandaman — na sangkot umano sa P100-bilyong insertions sa national budget. Ayon kay Co, nagsimula ang lahat nang tawagan umano siya ni Pangandaman sa gitna ng Bicameral Conference Committee discussions noong nakaraang taon. Ipinag-utos daw…
Read More