NAGHAIN ng reklamong paglabag sa halalan ang civil society group na ‘The Silent Majority-Silent No More’ laban kay Senator Chiz Escudero sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes ng umaga.
Ayon kay Jozy Acosta-Nisperos, presidente ng nasabing grupo, dapat pagmultahin, mapakulong, idiskwalipika at hindi na payagang makatakbo pa sa anomang posisyon sa gobyerno ang mga dapat managot lalo na kapag napatunayang nagkasala.
“If found guilty, which we believed he is– is perpetual disqualification from public office which naturally it follows that he will be removed from office,” saad ni Nisperos.
Hiling din ng grupo na istriktong ipatupad ang batas nang walang pinapaboran at pinangangambahan.
Nanawagan din sila na gawin ng Comelec ang kanilang mandato upang maibalik ang tiwala ng mamamayang Pilipino.
Kinuwestyon naman ni Atty. Jess Falcis, isang public interest lawyer, kung bakit ni-revise o in-amend ang financial statement ng Centerways Construction and Development Inc. nang walang paliwanag, na
marahil ay dahil sa ibinigay na ‘donasyon’ na P30 milyon kay Escudero.
Ayon naman kay Atty. Jess Falcis, ang pinakamabigat na ‘piece of evidence’ na kanilang inihain sa kanilang reklamo ay ang audited financial statement at financial statement na isinumite ng Centerways Construction and Development Inc. sa SEC.
Hiling ni Atty. Falcis sa Comelec, na imbestigahan at tingnan ang nasabing financial statements at kontribusyon ng Centerways kay Escudero.
(JOCELYN DOMENDEN)
4
