SUMUGOD sa tanggapan ng Korte Suprema ang mga tagasuporta ni Mary Jane Veloso kasabay ng paghahain nila ng Petition for Habeas Corpus
Taon 2010 nang maaresto si Mary Jane sa Indonesia makaraang mahulihan ng 2.6 kilos ng heroin.
Ayon kay Mary Jane, ito ay ipinabitbit lamang sa kanya ng kanyang mga recruiter na sina Cristina Sergio at Julius Lacanilao, pero hindi umano niya alam na droga ang laman ng maleta.
Ilang taon niyang binuno ang pagkakakulong sa nasabing bansa ngunit hiniling ng gobyerno ng Pilipinas na pauwiin siya sa bansa at dito na lamang ipagpatuloy ang pagdetine simula noong Disyembre 18.
Samantala, iginiit naman ni Mrs. Cecilia Veloso na ilegal ang patuloy na pagkakadetine ng kanyang anak sa Correctional Institute for Women dahil wala aniya itong kinahaharap na kaso sa Pilipinas at biktima lang ng human trafficking.
Nauna rito, hiniling ni Mrs.Veloso kay Pangulong Bongbong Marcos na igawad na ang executive clemency para tuluyan nang makalaya ang kanilang anak para makapiling nila sa Pasko.
(JOCELYN DOMENDEN)
4
