OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP SA kabila ng pagkakalathala sa ating kolum noong Nobyembre 23 tungkol sa panawagan ng overseas Filipino worker (OFW) na si Daisy Villamar Gabriel, tila bingi at bulag umano ang International Progress Inc. — ang ahensiyang nag-deploy sa kanya, dahil hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na tugon o agarang aksyon upang iligtas ang kanilang manggagawa na nasa kritikal nang sitwasyon sa Saudi Arabia. Ayon sa nakalap nating impormasyon, isinugod na sa ospital kamakailan si Daisy matapos tuluyang bumigay ang kanyang pangangatawan dahil…
Read MoreDay: November 30, 2025
P100-M KOTONG NG BI CORRUPT OFFICIALS SA FAKE WORKING VISA NG CHINESE?
BISTADOR ni RUDY SIM BISTADO na naman ang muling nagbabalik na raket ng Bureau of Immigration, matapos ang Pastillas Scam ay natuklasan na mahigit isang libong Chinese nationals naman ang pinalusot para lang mabigyan ng working visa at maging legal ang kanilang paninirahan sa bansa. Sa isang liham noong November 6 ng “Ligan & Uy” law firm kay BI Commissioner Joel Anthony Vayado este ay mali, Viado pala, nabatid na ikinagulat umano ng isang kompanya na “COMMSEC INC.” ang dami ng nakarehistradong pangalan ng foreign workers sa isinagawang inspeksyon ng…
Read MoreMGA AKUSASYON, HANDANG HARAPIN NI CONG. SANDRO MARCOS
TARGET ni KA REX CAYANONG SA harap ng akusasyon at pulitikal na ingay, tumindig nang tuwid si House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos. Aba’y sa halip na umiwas, nagpakita siya ng pambihirang tapang at kahandaang harapin ang anomang usapin kaugnay ng kontrobersiyang sumasaklaw sa mga flood control project. Sa isang sulat na may petsang Nobyembre 26, 2025, malinaw at walang pag-aalinlangang sinabi ni Marcos na handa siyang humarap sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) anomang oras, at bukas siya sa anomang tanong na maaaring makatulong…
Read MoreAGFO naglabas ng manifesto MILITARY HINDI PAPAYAG SA UNCONSTITUTIONAL ACTS
KASABAY ng paggunita ng bansa sa kaarawan ni Andres Bonifacio, naglabas ng manifesto of unwavering support ang mga dati at aktibong opisyal mula sa AFP, PNP, PCG, BJMP at BFP para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang kanilang Commander-in-Chief. Sa pahayag ng Association of General and Flag Officers (AGFO) sa kanilang ika-60 anibersaryo sa Camp Aguinaldo, mariin nilang kinondena ang anomang panawagan para sa military adventurism o unconstitutional acts laban sa administrasyon. “We strongly condemn and reject any call for the AFP to engage in unconstitutional acts or military adventurism,”…
Read MorePUBLIKO HINIKAYAT NI PBBM PANGALAGAAN YAMANG-TUBIG
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na pahalagahan at responsableng gamitin ang likas na yaman ng bansa, lalo na ang tubig, kasabay ng paglulunsad ng isang malaking proyekto sa Bulacan. “Ladies and gentlemen, let this milestone encourage us to value the resources that we are blessed with, use them responsibly, and take part in building a more inclusive, sustainable future for everyone,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati nitong Biyernes, Nob. 28. Ipinahayag ito ni Marcos habang pinangungunahan ang inagurasyon ng Tunnel No. 5 ng Angat Water…
Read MoreTaumbayan inip na makulong mga balyena BONIFACIO DAY PROTEST ULTIMATUM KAY MARCOS JR.
BERNARD TAGUINOD MANININGIL na ang taumbayan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung mananatiling walang balyenang makukulong sa isyu ng flood control scam. Ito ang matapang na pahayag ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña kasabay ng ikalawang Trillion Peso March na ginanap kahapon, Nobyembre 30, sa Luneta at EDSA Shrine. “Kung yung September 21 ay warning sa gobyerno, eto ngayong November 30 ay ultimatum na. Ibig sabihin pagod nang maghintay ang taumbayan dun sa resulta,” giit ni Cendaña. Babala niya, hindi sapat na maliliit na isda lang ang masampahan ng…
Read MoreNAGPAKILALANG POLICE MAJOR, HULI SA ENTRAPMENT
BACOLOD CITY — Arestado ang isang lalaki na nagpapakilalang opisyal ng pulisya at umano’y sangkot sa serye ng robbery-extortion matapos mahuli sa isang entrapment operation sa labas ng isang hotel sa Barangay Singcang-Airport, Bacolod City, kamakailan. Kinilala ang suspek na si alyas “John,” na nagpapakilala rin bilang “Police Major Calsado,” 38-anyos, at residente ng Koronadal City, South Cotabato. Ayon sa Bacolod City Police Office (BCPO), nadakip ang suspek ng mga operatiba ng City Intelligence Unit at Police Station 8 dakong 12:45 p.m. nitong Sabado. Nauna siyang inireklamo matapos umano siyang…
Read More3 ARESTADO SA MGA ARMAS AT PAMPASABOG
BULACAN – Nasabat ng mga tauhan ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang malaking cache ng baril, pampasabog, at tactical equipment, ilang oras lamang matapos ang robbery with attempted homicide incident sa Brgy. Liciada, sa bayan ng Bustos sa lalawigan noong Nobyembre 29, 2025, sa isinagawang follow-up operation na umabot sa Metro Manila. Nangyari ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang makarinig ng maraming putok ng baril ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at nagmadaling pumunta sa pinangyarihan. Nadiskubre nilang nakadapa ang biktima na may mga tama…
Read MoreP2.7-M CASH, ALAHAS NG ONLINE SELLER TINANGAY NG BUYER
CAVITE – Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa Cavite Land Transportation Office (LTO) hinggil sa nagmamay-ari ng isang Mitsubishi Xpander na may plakang CBA 4353, na ginamit na sasakyan ng limang suspek na tumangay ng mahigit P2.7 milyong halaga ng cash at mga alahas mula sa bahay ng isang online seller sa Bacoor City noong Sabado ng hapon. Inilarawan ang mga suspek na pawang nakasuot ng itim na pantalon at shirt, armado ng ‘di nabatid na kalibre ng baril, at isa sa kanila ay may tattoo sa mukha, at sakay ng isang…
Read More