I KILO NG SHABU HULI SA DRUG BUST

NEGROS ORIENTAL – Isang 33-anyos na drug personality ang nadakip ng mga operatiba ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkasamsam sa ilegal na droga na tinatayang may street value na aabot sa P6,929,200.00 sa Purok 5, Barangay Jilocon, sa bayan ng San Jose sa lalawigan. Ayon sa ulat na nakarating sa PNP-PDEG, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit ng Negros Oriental Police Provincial Office (Norppo) at nadakip ang isang alias “Basim”, 33-taong gulang, ng Barangay Sta. Agueda, Pamplona, Negros…

Read More

PNP READY SA 3-ARAW NA TRANSPORT STRIKE NG MANIBELA

IBINIDA ng Philippine National Police (PNP) ang full readiness nito para harapin ang tatlong araw na tigil-pasada ng transport group na Manibela simula ngayong December 9 hanggang 11. Ayon kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sapat ang bilang ng mga tauhan at resources para tiyakin na mananatili ang kapayapaan at kaayusan sa gitna ng nationwide strike. Inatasan na ni Nartatez ang mga police commander sa buong bansa na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya kaugnay ng epekto ng mass action. Matagal nang…

Read More

GASOLINA TATAAS; DIESEL, KEROSENE STEADY

TATAAS na naman ang presyo ng gasolina ngayong Martes, ayon sa abiso ng iba’t ibang oil companies. Maglalaro sa P1.20 kada litro ang dagdag sa gasolina habang walang galaw sa presyo ng diesel at kerosene. Epektibo ang taas-presyo matapos mag-anunsyo ang Shell, Clean Fuel, PTT, SeaOil at Petro Gazz. Ayon sa Department of Energy (DOE), bunsod ito ng pagtaas sa halaga ng oil products sa world market. Samantala, steady ang presyo ng diesel at kerosene dahil sapat ang supply, lalo na ngayong papalapit ang holiday season. (CHAI JULIAN) 90

Read More

ICI BINALAAN NG NITA SA ‘SELECTIVE JUSTICE’ SA FLOOD CONTROL PROBE

NAGBABALA ang National Institute for Transparency and Accountability (NITA) sa umano’y mabilis na pagguho ng patas na pamantayan sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructures (ICI). Sa isang press conference, iginiit ni NITA Executive Director Carlos Ayala na malinaw ang “selective justice” matapos pangalanan ng ICI si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. bilang posibleng kasuhan sa flood control scandal kahit batay lamang ito sa testimonya na mismong ICI ang nagsabing hearsay at kulang sa kinakailangang quantum of evidence. Tinukoy ni Ayala na ang affidavit ni dating DPWH Undersecretary Roberto…

Read More

429K SASAKYAN DUMAAN SA EDSA NOONG NOB. 17 – MMDA

NAITALA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pinakamataas na bilang ng mga sasakyang dumaan sa EDSA ngayong taon sa kalagitnaan ng buwan ng Nobyembre. Ayon kay Atty. Victor Nunez, director ng Traffic Enforcement Group ng Traffic Discipline Office ng MMDA, umabot sa higit 429,000 ang bilang ng mga sasakyang dumaan sa EDSA noong November 17. “November pa lang kalagitnaan ay pumalo na ng more than 5 percent increase so expect pa natin na mas dadami pa habang papalapit ang Kapaskuhan,” ayon kay Nunez. Dagdag ni Nunez, kapansin-pansin ang matinding…

Read More

RIDER NA UMIWAS MAKASAGASA TUMILAPON, NAGULUNGAN NG KOTSE

CAVITE – Nasawi ang isang motorcycle rider makaraang magulungan ng isang sasakyan nang tumilapon mula sa kanyang motorsiklo matapos iwasan ang isang taong tumatawid sa kalsada sa Bacoor City noong Linggo ng madaling araw. Naisugod pa sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si alyas “Lor”, 33, subalit hindi umabot nang buhay dahil sa pinsala sa katawan. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda ACB125 na may plakang 237-PAV at binabagtas ang Aguinaldo Highway, Brgy. Habay, Bacoor City bandang alas-3:50 ng madaling araw nang tumawid ang isang…

Read More

KOTSE NASALPOK NG BUS, 2 SAKAY SUGATAN

TAYABAS CITY – Dalawang lalaki ang sugatan nang masalpok ng isang pampasaherong bus ang kanilang sinasakyang kotse sa Maharlika Highway, Brgy. Isabang sa lungsod nitong Lunes ng madaling araw. Batay sa imbestigasyon ng Tayabas City Police Station, bandang alas-12:25 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang tumatawid sa national highway ang Mazda 3 na minamaneho ng biktimang si “Devin”, 27, residente ng Camella Homes, Isabang, kasama ang pasaherong si Dominic, 28, mula Makati City. Paglabas umano ng sasakyan sa barangay road mula sa isang subdivision ay nasapol ito sa…

Read More

Sa mga lugar na apektado ni ‘Wilma’ OPERASYON NG SHIPPING, FISHING COMPANIES BALIK NORMAL – PCG

BALIK normal na ang operasyon ng lahat ng shipping at fishing companies sa mga baybayin at lugar na apektado ng Bagyong Wilma. Sa pinakahuling maritime safety advisory ng Philippine Coast Guard (PCG), mula alas-12 ng tanghali nitong Disyembre 8 ay wala nang stranded na naitala o naiulat sa mga pantalan sa bansa. Nangangahulugan na lahat ng mga pasahero na stranded pa dakong umaga nitong Lunes, ay pinayagan nang makabiyahe. Kasama rito ang rolling cargoes, vessels at motor bancas sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa. Ayon sa naunang ulat,…

Read More

TOP BOMB EXPERT NG DAWLAH ISLAMIYAH PATAY SA ARMY RAID

NAPATAY ng Philippine Army ang itinuturing na pinakamataas na bomb expert at lider ng Dawlah Islamiyah–Hassan Group (DI-HG) sa operasyon sa Brgy. Satan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Kinilala ng militar ang napatay na si Ustadz Muhammad Usman Solaiman, alias Amir ng DI-HG, kapatid ng teroristang si Ustadz Kamaru Usman at pamangkin ng kilalang bomber na si Basit Usman. Si Solaiman ay sangkot sa serye ng pambobomba sa mga bus sa Mindanao mula 2022 hanggang 2023, kabilang ang Rural Bus at Yellow Bus Line attacks, pati sa pagpaslang sa tatlong…

Read More