TOP BOMB EXPERT NG DAWLAH ISLAMIYAH PATAY SA ARMY RAID

NAPATAY ng Philippine Army ang itinuturing na pinakamataas na bomb expert at lider ng Dawlah Islamiyah–Hassan Group (DI-HG) sa operasyon sa Brgy. Satan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.

Kinilala ng militar ang napatay na si Ustadz Muhammad Usman Solaiman, alias Amir ng DI-HG, kapatid ng teroristang si Ustadz Kamaru Usman at pamangkin ng kilalang bomber na si Basit Usman.

Si Solaiman ay sangkot sa serye ng pambobomba sa mga bus sa Mindanao mula 2022 hanggang 2023, kabilang ang Rural Bus at Yellow Bus Line attacks, pati sa pagpaslang sa tatlong negosyante mula Batangas.

Ayon sa 601st Brigade, naging susi sa operasyon ang tip mula sa mga residente. Hinihikayat ngayon ng militar ang natitirang miyembro ng Dawlah Islamiya na sumuko at piliin ang buhay sa halip na karahasan.

(JESSE RUIZ)

138

Related posts

Leave a Comment