Sa mga lugar na apektado ni ‘Wilma’ OPERASYON NG SHIPPING, FISHING COMPANIES BALIK NORMAL – PCG

BALIK normal na ang operasyon ng lahat ng shipping at fishing companies sa mga baybayin at lugar na apektado ng Bagyong Wilma.

Sa pinakahuling maritime safety advisory ng Philippine Coast Guard (PCG), mula alas-12 ng tanghali nitong Disyembre 8 ay wala nang stranded na naitala o naiulat sa mga pantalan sa bansa.

Nangangahulugan na lahat ng mga pasahero na stranded pa dakong umaga nitong Lunes, ay pinayagan nang makabiyahe.

Kasama rito ang rolling cargoes, vessels at motor bancas sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa.

Ayon sa naunang ulat, mula alas-12 ng madaling araw hanggang alas-4 ng umaga, iniulat ng PCG na mayroon pang kabuuang 3,448 na mga pasahero na apektado o hindi pa pinayagang magtuloy sa kanilang biyahe.

Gayunman, bandang alas-12 ng tanghali ay nag-abiso ang PCG na inalis na ang kanselasyon o suspensyon sa mga sasakyang dagat sa mga lugar na apektado ng Bagyong Wilma.

(JOCELYN DOMENDEN)

75

Related posts

Leave a Comment