I KILO NG SHABU HULI SA DRUG BUST

NEGROS ORIENTAL – Isang 33-anyos na drug personality ang nadakip ng mga operatiba ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkasamsam sa ilegal na droga na tinatayang may street value na aabot sa P6,929,200.00 sa Purok 5, Barangay Jilocon, sa bayan ng San Jose sa lalawigan.

Ayon sa ulat na nakarating sa PNP-PDEG, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit ng Negros Oriental Police Provincial Office (Norppo) at nadakip ang isang alias “Basim”, 33-taong gulang, ng Barangay Sta. Agueda, Pamplona, Negros Oriental.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang 1,019 grams ng shabu na nakasilid sa ilang transparent plastic bags, kasama ng ginamit na marked money, isang S&W caliber .357 magnum revolver na may tatlong bala at gamit nitong motorsiklo.

Ayon kay Lieutenant Colonel Joem Malong, hepe ng PRO-NIR Public Information Office, ang suspek ay itinuturing na isang high-value drug personality sa Negros Oriental.

Dagdag pa ni Col. Malong, pinangunahan ng PDEU/PIU Norppo ang anti-illegal drug operation matapos na makatanggap ng intel report na aktibo ang suspek sa bentahan at pagpapakalat ng droga sa lugar at aramado ito sa kanilang mga transaksyon.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa custodial facility ng Norppo habang inihahanda ang kasong paglabag sa Sections 5 and 11 ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinapurihan naman ni Brigadier General Arnold Thomas Ibay, PRO-NIR director, ang nasabing operating units sa kanilang precision and dedication, dahil ang resulta ng kanilang trabaho ay nagpapakita kung paano nagsisikap ang PRO-NIR na masugpo ang ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.

“We reiterate the organization’s unwavering commitment to cut the supply chain of illegal drugs and ensure safer, drug-free communities across the region,” pagtiyak pa ni BGen. Ibay.

(JESSE RUIZ)

117

Related posts

Leave a Comment