LALAKING MAY WARRANT NAHARANG SA NAIA

NAHARANG sa NAIA Terminal 3 ang isang lalaking pasahero na patungo sanang Hongkong matapos matuklasang may nakabimbin siyang warrant of arrest na halos 12 taon na. Inaresto ang suspek nitong Martes ng hapon ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) matapos beripikahin ng Bureau of Immigration (BI) na may warrant siyang inilabas ng Quezon City RTC Branch 125 noong Setyembre 26, 2014 sa kasong Malversation of Public Property. May nakalaang P40,000 piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na kasalukuyang nasa kustodiya ng NAIA Police Station-3.…

Read More

P81.6M SHABU NASABAT SA HVI SA PASAY

NASABAT ng mga operatiba ng Pasay City Police Station ang humigit-kumulang 12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P81.6 milyon mula sa isang high-value individual (HVI) sa isang intelligence-driven operation sa Seaside Boulevard, Barangay 76, Pasay City nitong Martes ng gabi. Dakong alas-11:00 ng gabi ng Enero 13, 2026, ikinasa ng mga tauhan ng Sub-Station 10 (MOA) ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa PDEG-SOU 3 sa pamamagitan ng confidential informant. Inaresto ang suspek na si alyas “Farhanie,” 26-anyos, matapos makumpiska mula sa kanya ang dalawang eco-bag na naglalaman…

Read More

AIR QUALITY MONITORING SENSOR IPINAKALAT SA MAYNILA

BILANG bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaang lungsod ng Maynila na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko at mapanatiling malinis at ligtas na lugar, naglagay ito ng mga air quality monitoring sensor sa ilang bahagi ng lungsod. Pinangunahan ng Department of Environment and Public Services, katuwang ang City Electrician’s Office, ang pagkakabit ng apat na air quality monitoring sensor. Partikular itong ikinabit sa Anda Circle, sa tapat ng San Sebastian Residences, Sta. Ana Hospital, at malapit sa isang supermarket sa Tayuman. Magbibigay ng real-time data ang mga sensor upang masuri…

Read More

GUMAMIT NGA BA NG DUMMY SI ROMUALDEZ SA PAGBILI NG PROPERTY SA MAKATI?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO LUMILITAW ngayon ang isang mahalagang usapin sa larangan ng pampublikong pananagutan: ang planong imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y paggamit ng front sa pagbili ng isang mamahaling house and lot sa isang gated community sa Makati City na iniuugnay kay dating House Speaker Martin Romualdez. Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, ito ang saklaw ng balak na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na kanyang pinamumunuan. May mga pahayag na nagsusulong ng tanong kung ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya ay…

Read More

MABIGAT ANG TRABAHO NI GABRIEL GO NG MMDA

RAPIDO ni PATRICK TULFO SA mga nakaupo sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayon, ang pinakamahirap ang trabaho ay si Gabriel Go, ang pinuno ng Special Operations Group – Strike Force. Dahil personal nitong pinamumunuan ang mga operasyon ng ahensya laban sa illegal parking at obstruction sa National Capital Region o NCR. Ilang beses nang nakabangga ng mga taong gobyerno si Go sa trabaho nito at sa mga pinakabagong post niya sa kanyang FB profile, makikitang ang mga opisyal at empleyado ng mga barangay ang mga pasaway. Sa clearing operation…

Read More

HUSTISYA O AGENDA SA KASO VS RECTO?

LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS WALANG masama sa paghahain ng kaso. Karapatan ‘yan ng bawat mamamayan. Pero may mali at may masamang motibo kapag alam mo nang wala nang basehan, pero tuloy pa rin. Kapag malinaw na ang sinabi ng Supreme Court. Kapag malinaw na ang kilos ng Kongreso. Kapag malinaw na ang nangyari sa totoong buhay. Ang pagpupumilit ay hindi na paghahanap ng hustisya. May agenda na ‘yan. Sa isyung ito, malinaw ang mga katotohanan—walang malabong bahagi. Una, malinaw ang desisyon ng Supreme Court na walang kriminal na pananagutan…

Read More

PLANO

HOPE ni GUILLER VALENCIA “FOR I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. Jeremiah 29:11 (NIV) Ang Diyos ay may magandang plano sa kanyang mga mananampalataya. Ngunit minsan, dahil sa ating mga kasalanan ay nagkakaroon ng sagabal sa plano. Ang mga taga Judah ay sumuway sa maraming pagkakataon at sila ay dinisiplina ng Diyos. Kaya naman, sila ay nasakop ng Babylonian at na-exile. Sa kabila ng set-back, ang verse natin…

Read More

HIGH GRADE MARIJUANA NASAMSAM NG PDEA AT BOC

PAMPANGA – Tinatayang nasa P1.07 milyong ang halaga ng high grade marijuana o kush ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs noong Miyerkoles ng umaga sa isang parcel sa Port of Clark sa lalawigan. Ang parcel, na naka-label bilang “Cruxdenim Reinforced Seat Trail Jeans” mula Los Angeles, California, ay na-flag sa routine profiling ng Bureau of Customs. At nang idaan ito sa pagrerekisa ng PDEA agents at anti-drug sniffing dogs ay nakumpirma ang presensya ng droga sa nasabing kontrabando. Sa 100 percent…

Read More

NANUNGKIT NG MANGGA, SEKYU NAKURYENTE

CAVITE – Nasawi ang isang 25-anyos na security guard makaraang nakuryente habang nanunungkit ng bunga ng mangga sa isang playground area sa loob ng isang subdibisyon sa Bacoor City noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa ulat, walang buhay na natagpuan ang biktimang si alyas “Francis”, ng Brgy. Molino VI, Bacoor City, sa itaas ng puno ng mangga. Ayon sa salaysay ni alyas “Gallardo”, isang retiradong seafarer, nakarinig siya ng malakas na pagsabog na hinihinalang dulot ng power line explosion kasunod ng pagkawala ng kuryente sa lugar bandang alas-2:00 ng hapon.…

Read More