GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HUMINGI ng trabaho si Tuesday Vargas sa paraang diretso at malinaw. Sa isang Facebook post, kinausap niya ang mga manunulat, producer, at direktor. Sinabi niyang handa siyang tumanggap ng proyekto at magtrabahong muli. Walang drama ang tono. Walang palusot. Isang simpleng pahayag ng pangangailangan. Doon nagsimulang mag-iba ang usapan. May ilan na tila hindi komportable sa ginawa niya. Para bang ang paghingi ng trabaho, kapag ginawa sa harap ng lahat, ay may kasamang kahihiyan. Para bang kapag artista ka na, bawal ka nang aminin…
Read MoreDay: February 11, 2026
TSINATORS
CLICKBAIT ni JO BARLIZO GALIT na galít ang ilang senador. Sino nga ba naman ang hindi iinit ang ulo kung tatawagin kang isang “Tsinador”? Sa panahon ngayon, ang bansag na iyan ay hindi simpleng panlalait. Isa itong mabigat na akusasyon na tila nagsasabing ang iyong paninindigan ay hindi na para sa sariling bayan kundi para sa interes ng ibang bansa. Pero saan nga ba nanggagaling ang bansag na ito? Hindi na kailangang pangalanan ang mga pinatutungkulan ng bansag na Tsinador dahil halos araw-araw ay laman sila ng usapan sa social…
Read More24/7 HEALTH CLINIC SA BUONG BANSA DAPAT MAIPATUPAD
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAIS ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magkaroon ng 24/7 health clinic sa bawat barangay para makatulong at hindi na dumagsa ang mga pasyente sa mga pampublikong pagamutan, dahil agad na malalapatan ng lunas ang mga karamdaman sa mismong komunidad. Ayon sa Senador, napapanahon nang bigyang-pansin ng Kongreso ang kanyang inihain na Senate Bill No. 421 o ang Health Centers in All Barangays Act, na naglalayong magpatayo ng kumpleto at maayos na primary health care centers sa lahat ng mga barangay sa bansa…
Read MoreANG KAPAL NG MUKHA SA KAPITOLYO
BISTADOR ni RUDY SIM SA mundong ito, may mga taong makakapal ang mukha, at mayroon namang mga taong next level ang kakapalan. Medyo beterano na din tayo sa mga galawan sa Pilipinas, at sanay na ako sa mga palusot ng mga politiko. Pero ang nangyayari ngayon sa Albay? Ibang klase itong “legal acrobatics” na ito. Isipin ninyo: Mayroon nang hatol na dismissal ang Ombudsman noong 2024 laban kay Governor Noel Rosal. Hindi suspensyon, hindi reprimand, kundi sibak sa pwesto. Pero heto siya, nakaupo pa rin bilang gobernador, na tila ba…
Read MoreFREE PAY WARDS PARA SA PHILHEALTH CONTRIBUTORS PINAG-AARALAN NG DOH
PINAG-AARALAN na ng Department of Health ang pagbibigay ng libreng pay wards o shared rooms sa mga DOH-run hospital para sa mga direct contributor ng PhilHealth. Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Marcos na tiyaking makatatanggap ng mas maayos na serbisyong medikal ang mga Pilipino. “Mag-uutos ito sa lahat ng DOH hospitals na maging zero balance billing ang mga pay wards para sa mga direct contributors ng PhilHealth,” pahayag ni Castro. Ipinaliwanag na ang pay wards ay hiwalay sa kasalukuyang basic accommodation na saklaw…
Read MoreEX-FINANCE USEC: STELLA QUIMBO DAPAT MAGSALITA SA MGA ISYU NG NATIONAL BUDGET
IGINIIT ni dating Finance Undersecretary Cielo Magno na dapat magsalita si dating Marikina 2nd District Representative at dating chairperson ng House Appropriations committee na si Stella Quimbo tungkol sa mga isyu at kontrobersiya sa national budget. “Ang sabi ko nga sa ending ng forum na ito, dapat pala naimbitahan din si Stella Quimbo,” sabi ni Magno, na isa sa mga panelist sa forum ng UP School of Economics tungkol sa pambansang budget. Dagdag ni Magno, bilang dating vice chairperson at chairperson ng House Committee on Appropriations, si Quimbo ang pinakaangkop…
Read MoreIMPORTASYON NG MANOK, PINATITIGIL
MULING kinalampag ni Senador Imee Marcos ang gobyerno upang itigil ang pagmamadaling itulak ang importasyon ng manok. Iginiit ni Marcos na walang kakulangan sa suplay at sapat ang lokal na produksyon para tugunan ang pangangailangan ng bansa. Binatikos ng senadora ang umano’y pagmamanipula ng datos upang palabasing may kakulangan sa suplay ng manok sa merkado. Ayon kay Marcos, malinaw sa mismong datos ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng manok sa bansa na maaaring tumagal ng hanggang walong buwan, batay sa tala noong Disyembre. Hindi anya makatwiran…
Read MoreSa pagsusuot ng uniporme ng pulis PAGSASAMPA NG KASO KAY NORMAN MANGUSIN PINAG-AARALAN NG PNP
INIHAYAG ni PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Randulf Tuaño, pinag-aaralan ng Pambansang Pulisya ang pagsasampa ng kaso laban sa isang vlogger. Matatandaang nag-viral sa social media ang content creator na si Norman Mangusin o mas kilala bilang si Francis Leo Marcos, habang nakasuot ng uniporme ng pulis. Pinagmumura at hinamon din ng suntukan ni Mangusin si Police Regional Office 2 Director P/Brig. Gen. Antonio Marallag Jr. Ayon kay Tuaño, posibleng maharap sa kasong usurpation of authority at illegal use of uniforms or insignia si Mangusin na posibleng magresulta sa pagkakakulong. Iginiit…
Read MorePara sa special election 7 KANDIDATO NAGSUMITE NG COC SA ANTIPOLO
MAY kilalang mga politiko at personalidad na naghain ng Certificate of Candidacy para sa Ikalawang Distrito ng Antipolo para sa special election upang mapunuan ang nabakanteng pwesto ni dating Rep. Romeo Acop. Ayon sa Comelec, inaasahan na pito ang opisyal na kandidato kasama ang isang ordinaryong mamamayan mula sa Antipolo na tumakbo sa halalan. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maituturing na maganda ang kinalabasan ng filing of candidacy dahil nagpapakita ito ng pagiging masigla at buhay ng demokrasya sa Ikalawang Distrito ng Antipolo. Sa pagtatapos ng en banc session…
Read More