INIUTOS ng House of Representatives of the Philippines ang pagsasagawa ng ethics probe laban kay Jesus Bong Suntay matapos ang kontrobersyal na pahayag nito tungkol sa aktres na si Anne Curtis. Ang hakbang ay kasunod ng privilege speech ni House Committee on Women and Gender Equality chairperson at Laguna Rep. Ann Matibag na kumondena sa naging pahayag ni Suntay sa gitna ng impeachment hearing. Matapos ang talumpati, nagmosyon si Assistant Majority Leader Ysabel Maria Zamora na irefer ang usapin sa House Committee on Ethics and Privileges at agad itong inaprubahan…
Read MoreDay: March 6, 2026
BALIGOD, ’18 MALETA SOLDIERS’, IBA PA KINASUHAN SA DOJ
DUMULOG sa Department of Justice (DOJ) si dating Senador Antonio Trillanes IV upang magsampa ng mga kasong kriminal laban sa ilang personalidad kaugnay ng umano’y gawa-gawang International Criminal Court (ICC) bribery scheme. Kabilang sa mga kinasuhan sina Atty. Levito Baligod, dating Cong. Mike Defensor, broadcaster Jay Sonza, dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, vlogger Cathy Binag, at labingwalong indibidwal na tinukoy na “ex-marines.” Ayon kay Trillanes, bahagi umano ito ng planong idawit siya sa isang pekeng bribery scandal na kinasasangkutan ng mga imbestigador ng ICC. Kabilang sa mga kasong isinampa laban…
Read MoreSUSPENSYON NG VAT AT EXCISE TAX SA LANGIS DAPAT AUTOMATIC – SEN. ERWIN TULFO
SA gitna ng tensyon sa Gulf Region na inaasahang mag-uudyok ng pagtaas ng presyo ng langis, hinimok ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo na suspendihin na ang Value-Added Tax (VAT) at Excise Taxes sa langis. Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sersertipikahan niya bilang “urgent” ang isang panukalang batas na magbibigay sa kanya ng pansamantalang kapangyarihan upang bawasan ang excise taxes sa mga produktong petrolyo. “Ang hakbang na ito ay nagtatakda ng malinaw na batayan para sa tulong, lalo na sa mga hindi…
Read MoreStroke survivor, lumalaban ngayon: MISS GLENDA SINAGOT MGA PARATANG LABAN SA KANYA
NOONG nakaraang taon, nakikipaglaban ang skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, na mas kilala bilang “Miss Glenda,” para sa kanyang buhay sa Intensive Care Unit (ICU), nakakabit sa mga makinang tumutulong sa kanya para mabuhay matapos ma-stroke at magkaroon ng pneumonia. “Last year po nasa ICU ako, nag-aagaw buhay. Iyong mga anak ko umiiyak po sa akin. And I almost gave up. Nasabi ko ayoko na po, ayaw ko na po talaga,” wika ni Miss Glenda sa panayam ni Ogie Diaz. “Nagsimula siya sa pneumonia. So yung…
Read MoreGRADUATION SA LOOB NG CAMPUS GAWIN KONTRA OIL CRISIS – ISKO
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na idaos ang lahat ng graduation rites ng mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa loob mismo ng kani-kanilang campus habang hinaharap ng lungsod ang nakaambang pagtaas ng presyo dulot ng krisis sa langis. Sa kanyang regular na pulong sa management committee, inatasan ng alkalde ang Schools Division Office (SDO) of Manila sa pangunguna ni Superintendent Dr. Sheryll Gayola, na tiyaking sa loob lamang ng mga paaralan gaganapin ang mga seremonya upang maiwasan ang dagdag gastusin…
Read MoreSINDIKATO NAGLIPANA NA SA TIKTOK SHOP AT IBA PANG ONLINE SHOPPING APP
RAPIDO ni PATRICK TULFO ILANG reklamo na ang natanggap ng Rapido tungkol sa pang-iiskam ng ilang sindikato gamit ang Tiktok Shop at ang J&T delivery. Marami na ang nagrereklamo noon pa laban sa Shopee at Lazada kung saan iba ang dumarating na item kaysa kanilang totoong inorder. Hindi pa man ito tuluyang nasasawata ng mga awtoridad, napasok na rin ng mga sindikato ang isa sa mga pinakamurang online shopping app ngayon, ang Tiktok shop. Ayon sa mga reklamo, bigla na lang may dumarating na parcel kahit hindi nila inorder. Matapos…
Read MoreMAY NAGPONDO BA SA PAGLUTANG NG ‘MALETA SOLDIERS’?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO BULONG-BULUNGAN ngayon na may umagos na pondo sa paglitaw ng 18 indibidwal na nagpakilalang mga dating Marines. Dito lumutang ang pangalan ni dating House Speaker Martin Romualdez. Nagulat ba kayo? Nalito? Tama, ‘yan daw kasi talaga ang plano – lituhin ang publiko at pahinain ang imbestigasyon tungkol sa flood control corruption na nag-uugnay kay Romualdez sa malalaking kickback. Sa sandaling madamay ang iba pang kilalang personalidad, nababawasan ang pansin sa kanya at nailalayo ang usapin sa mga tunay na may pananagutan kung saan siya ang pangunahing…
Read MorePROTEKSYON SA RED-TAGGING HILING NG NUPL SA SC
KINALAMPAG ng ilang mga abogado mula sa National Union of People’s Lawyer (NUPL) kasama ang grupo ng mga magsasaka, ang Korte Suprema para sa inihaing ng petition for writ of amparo at habeas data. Ito’y bilang proteksyon sa mga lider ng organisasyon at human rights lawyer na nakabase sa Negros Occidental. Giit ng grupong Tanggol Magsasaka, suportado nila ang ginawang hakbang ng NUPL para sa kapakanan ng mga lider na nagtatanggol sa mga ordinaryong manggagawa. Paliwanag nila, hindi makatwiran na isailalim sa red tagging ang mga lider ng manggagawa gayundin…
Read MoreHIGIT 200 NAGMARTSA SA GUMACA PARA KALAMPAGIN DPWH SA MAHARLIKA HIGHWAY AT BYPASS ROAD REHAB
NAGMARTSA ang nasa 200 mamamayan sa bayan ng Gumaca noong Miyerkoles, para kalampagin ang Department of Public Works and Highways – Quezon 4th District Engineering Office kaugnay sa lumalalang kondisyon ng Maharlika Highway at Gumaca Bypass Road. Pinangunahan ng Gumaca Concerned Citizens Movement ang mapayapang rally na nagsimula sa katedral at nagtapos sa tanggapan ng DPWH sa Brgy. Panikihan, dala ang mga plakard na nananawagan ng ligtas at maayos na lansangan. Ayon sa grupo, dumarami ang nangyayaring aksidente at nahihirapan ang mga sasakyan na magmaniobra lalo na sa bypass road…
Read More