21 NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA SA CORREGIDOR

CAVITE – Nasagip ng Philippine Coast Guard ang 21 pasahero ng isang motorbanca na tumaob sa dagat malapit sa isla ng Corregidor.

Ayon sa may-ari ng MB Lady Tricia na si Delfin Mabesa, umalis sa Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite patungong Corregidor Island ang bangka bandang alas-10:00 ng umaga noong Biyernes.

Bandang alas-3:30 ng hapon nang magdesisyong bumalik na lamang ito sa paglalayag dahil sa malalakas na alon ang humahampas sa kanilang bangka na naging sanhi ng kanilang paglubog.

Nailigtas ng mga mangingisda ang ilang pasahero ng nasabing bangka.

Agad namang tumawag sa PCG station ang isang concerned citizen upang agad na tulungan ang iba pang mga pasahero.

Nailigtas ng PCG ang ibang pasahero na isinakay sa ferryboat patungong Brgy. Wawa sa Rosario, Cavite. (CYRILL QUILO)

312

Related posts

Leave a Comment