22 natabuan sa landslides 34 PATAY SA BAGYONG ‘AGATON’

PINANGANGAMBAHANG umabot sa 34 katao ang namatay sa pananalasa ng Bagyong Agaton.

Kasama sa nasabing bilang ang 22 bangkay na narekober habang may anim pang nawawala makaraang matabunan ng gumuhong lupa sa kasagsagan ng pananalasa ng Tropical Storm Agaton sa Baybay City.

Sinasabing narekober sa search and rescue operations ang bangkay ng 22 residente na natabunan ng lupa sa Baybay City, ayon sa report na ibinahagi ni Police Colonel Jomel Collado, hepe ng pulisya ng lungsod.

Habang may anim pang residente ang hinahanap makaraang mangyari ang anim na insidente ng landslide sa Region 8 kabilang ang lungsod ng Baybay dahil sa bagyong Agaton na nagpalambot ng lupa.

Ayon kay City Police chief, Colonel Jomen Collado, narekober ang labi ng mga ito sa apat na barangay, 16 aniya ang nakuha sa Barangay Mailhi, dalawa sa Barangay Maypatag, isa sa Barangay Bunga at tatlo sa Barangay San Agustin.

Samantala, batay sa inilabas na situational report ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) kahapon ng umaga, nasa 14 na indibidwal pa lamang ang naiulat sa kanila na namatay sa lugar at kasalukuyan pa itong bina-validate.

Habang may tatlong reported death sa Region 7 at tatlo rin sa Region 11.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, karamihan sa mga casualty ay dahil sa landslide na dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Kasunod nito, nagpapatuloy pa rin aniya ang search and retrieval operations ng mga awtoridad.

Pero sa opisyal na datos ng ahensiya, nasa tatlo pa lamang ang mga namatay dahil sa bagyo na naitala mula sa Davao Oriental habang isa ang nawawala at dalawa ang sugatan, Sa kabuuan, nasa 86,515 pamilya o katumbas ng 136,390 indibidwal ang apektado ng Bagyong Agaton.

Dagdag pa nito, may anim na insidente pa ng pagguho ng lupa sa iba’t ibang bahagi ng lungsod at hindi pa kumpleto ang mga impormasyon na kanilang nakalap.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Region 8 Regional Director BGen. Bernard Banac, ngayon araw ay inaasahan na magpapatuloy ang paghahanap sa mga nawawala bagamat nagpapatuloy ang pag-ulan sa lungsod. (JESSE KABEL)

392

Related posts

Leave a Comment