2,389 NEW COVID CASES NAITALA SA CALABARZON

LAGUNA – Nakapagtala ng 2,389 bagong kaso ng COVID-19 ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) noong Setyembre 9, ayon sa ulat ng DOH Region 4A.

Nabatid na umabot na sa 42,183 active cases ng coronavirus disease sa rehiyon habang 1,520 ang mga gumaling at 95 naman ang mga nasawi.

Ang lalawigan ng Cavite ang may pinakamataas na aktibong kaso ng coronavirus sa bilang na 18,343; Laguna, 10,150; Batangas, 6,605; Rizal, 4,382; Quezon, 2,162, at Lucena City, 542.

Samantala, matagal pa bago maabot ang herd immunity sa rehiyon dahil aabot pa lamang sa 1,923,423 indibidwal o nasa 17 porsiyento ang nakatanggap ng kumpletong dose ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa DOH 4-A, target mabakunahan ang 11,452,775 o 70 porsyento ng populasyon sa rehiyon.

Ang lalawigan ng Cavite ay umabot na sa 560,545 o 19 porsyento ang fully vaccinated; sa Laguna ay 409,852 o 17 porsyento; Batangas, 360,042 o 18 porsyento; Rizal, 360,042 o 16 porsyento; Quezon, 157,392 o 11 porsyento, at Lucena City, 45,613 o 23 porsyento ang fully vaccinated. (CYRILL QUILO)

145

Related posts

Leave a Comment