2ND TRANCHE NG AYUDA SA NAVOTAS IPAMAMAHAGI NA

UMABOT sa 1,881 benepisyaryo na dumaan sa validation noong Disyembre 2021 ng DSWD-NCR na hindi nakatanggap ng second tranche ang makatatanggap ng ayuda sa Navotas City.

Simula noong Marso 12 hanggang kinabukasan ay makakukuha ang mga nasabing benepisyaryo ng P3,000 emergency subsidy mula sa lokal na pamahalaan.

Noong nakalipas na taon ay naglaan ang lungsod ng Navotas ng P32,417,000 at P26,558,000 para sa enhanced community quarantine (ECQ) Ayuda mula sa pondo ng pambansang pamahalaan at tinulungan maging ang mga wala sa listahan ng mga benepisyaryo.  (ALAIN AJERO)

186

Related posts

Leave a Comment