2x PBA Grand Slam champ Redmanizers, babalik na

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG
Ni EDDIE ALINEA

BUBUHAYING muli ang Crispa t-shirt, ang pangunahing produkto ng pagawaan ng telang Floro and Sons noon.

At dahil ang Crispa t-shirt ang siyang naging malaking dahilan kung bakit natatag ang koponan ng Redmanizers sa basketbol, hindi malayong ang koponang ito na kasama ang Toyota Comets na bumuhay sa Phippine Basketball Association, ay muli ring magkaroon ng buhay.

Mismong si Allessandro Lorenzo ‘Enzo’ Floro Herbosa, pangatlo sa apat na supling ni Dra. Valerie Floro Herbosa, pinakabatang anak ng namayapang may-ari ng Redmanizers na si Danny Floro, ang nagpahayag sa muling pagbuhay sa noon ay sikat na sikat na kamiseta.

Ipinahayag din ni Enzo na sunod na plano ay bubuhayin din ang koponan ng ­kumpanya na nagdomina sa larong amatyur man o propesyonal ay naging paborito ng ­sambayanang Pilipino sa nakalipas na apat na dekada mula noong 1950s.

Bubuhaying muli ang Crispa upang mapangalagaan ang pamanang iniwan ng kanyang Lolo sa industriya ng tela at sa sports. “Yeah, why not?” anang 23-anyos na si Enzo. “We realize naman that the Crispa t-shirt became famous because of our basketball team.”

“For a start, though, let us – along with my brothers Angelo, Valerio and Regino, our cousins and friends – first reintroduce  the CRISPA brand in the market, as a ­quality t-shirt proudly made in the ­Philippines,” wika ni Enzo, na ang amang si Benjamin ay isa ring manggagamot.

Ang pormal na paglulunsad sa pagbuhay ng kamiseta ng Crispa ay idinaos noong Martes sa pamamagitan ng social media, ayon kay Dra. Valerie.

“Behind the two-time PBA Grand Slam winning team, the CRISPA Redmanizers, was the CRISPA t-shirt. ­Actually, a fun fact is that the team got its name from the “Redmanized” process, which made the shirts ­resilient to shrinking,” paliwanag ni Enzo, na isang abogado at bagong marketing man ng kumpanya.

“In short, the shirts were “shrunk-to-fit”, as label tags on the shirt would suggest.  To this day, we still use our CRISPA shirts, some of which are decades old. This is a true testament to the quality of material put into a CRISPA t-shirt,” pagmamalaki niya.

“The brand still remains popular in the older generation. However, the challenge is the awareness of the CRISPA brand in my ­generation.  The t-shirt still stays true to 100% pure cotton, just like the CRISPA 400 shirts of the past,” paniniguro ni Enzo.

“As of now, we would like to test the waters, as they say, to see if CRISPA can still make its mark in the 2020s. I am praying that this launch will be a success for our grandfather’s legacy.”
“Always and forever, go CRISPA!” sabi pa ni Enzo.

97

Related posts

Leave a Comment