3-DAY NAT’L VAX DAY BUBUKSAN SA WALK-INS

HINDI kailangang tanggihan ang mga walk-in sa tatlong araw na National Vaccination Day na nakatakda sa November 29, 30 at December 1.

Ito ang inihayag ni Dr. Kezia Rosario ng National Vaccination Operation Center lalo’t maituturing na “big day” ang nakatakdang kaganapan na naglalayong lalo pang mapataas ang bilang ng mga bakunadong Pilipino.

Sinabi ni Rosario, walang magiging problema kung walk-in ang gustong magpabakuna at kahit saan pa nila nais makatanggap ng vaccine ay maaaring gawin.

“Sa ating registration po ng ating mga kababayan na gustong magpabakuna on that day, we utilize pa din iyong mga registration ng ating mga local government units. Pwede sila pumunta agad-agad ngayon ‘no to have themselves registered,” ayon kay Rosario.

“But then ang—since this activity is malakihan talaga, we encourage walk-ins ‘no na dapat hindi sila ma-deny on those days para magpabakuna. If they are willing po on those days, dapat freely po silang maka-receive ng vaccination at mahikayat natin sila even anywhere they are on that day ‘no na mabakunahan talaga sila,” dagdag na pahayag nito.

Ang pagpakita ng valid ID ay sapat ng requirement maliban na lamang sa mga kailangan talagang makapagpakita ng medical certificate.

“We also limit iyong mga ini-impose ng ating mga LGUs na requirements on that day ‘no.

So as simple as a valid ID will do ‘no, hindi na tayo magri-require nang marami pang requirements except those iyong may mga kailangan talaga ng medical certificate,” aniya pa rin.

Ani pa Rosario, magkakaruon ng access ang lahat ng mga Pilipinong nais na makapag- pabakuna at siguradong maibibigay aniya ng pamahalaan ang serbisyo nito sa mga nangangailangang mabigyan ng proteksyon sa COVID 19.

“Other than that po, madali lang po tayong maka-access ng serbisyo on that day—on those days, ” lahad n Rosario. (CHRISTIAN DALE)

126

Related posts

Leave a Comment