3 DAYUHAN, 2 PINOY SWAK SA CRYPTOCURRENCY SCAM

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila District Anti-Cybercrime Team (MDACT ) ang limang indibidwal kabilang ang tatlong foreign nationals dahil sa pagkakasangkot sa Cryptocurrency scam.

Naghihimas na ng rehas na bakal ang mga Israeli national na sina Shay Semo, alyas Shai at Chen Keren, alyas Chen Benyamin Keren, ang American national na si Aron Dermer y Charles, alyas Aaron at Shoes kasama ang kanilang mga kasabwat na Pinoy na sina Marie Mizukami y Verzosa at Krizzia Garcia y Balutan.

Ang mga suspek ay nagpapatakbo umano ng pekeng cryptocurrency gamit ang online platforms at social media channels  kung saan target ang mga indibidwal  na humihingi ng tulong sa kanilang digital currency holdings.

Kabilang dito ang pagpipilit ng mga suspek sa mga biktima na mag-download ng remote desktop software, tulad ng TeamViewer, sa ilalim ng pagkukunwari na pagbibigay ng tulong. Gayunman, kinukuha ng mga suspek ang password ng mga biktima at inililipat ang laman ng kanilang cryptocurrency account sa mga wallet ng mga scammer.

Kukunin ng mga suspek ang kahinaan at tiwala ng mga biktima sa pag-alok ng tulong sa pag-troubleshoot, pagbawi ng account o general advice tungkol sa kanilang mga hawak na cryptocurrency.
Kinasuhan na ang mga suspek sa Pasig City Prosecutors Office. (RENE CRISOSTOMO)

224

Related posts

Leave a Comment