3 DRUG SUSPECTS TIMBOG SA VALENZUELA

TATLONG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang mga suspek na sina Arnel Padrenao, 38; Rogelio Hubilla, 29, at Jose Toledo, 34-anyos.

Ayon kay SDEU investigator, P/Cpl. Pamela Joy Catalla, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU na sina P/MSgt. Ricky Labrador, P/Cpl. Noriel Boco at P/Cpl. Jayson Arce, sa pangunguna ni P/Lt. Madregalejo, sa Blk. 1, Lot 35 (harap ng unit F) Arty 4 Subd., Brgy. Karuhatan na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P27,200 ang halaga, buy-bust money, P1,500 cash at 3 cellphones.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (FRANCIS SORIANO)

92

Related posts

Leave a Comment