ARESTADO sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Fairview Police Station (PS 5) ang isang regional drug priority target at dalawang kasamahan nito at nakumpiska sa kanila ang P680,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation noong Martes ng gabi sa Quezon City.
Kinilala ni P/Lt. Col. Joewie Lucas, station commander ng PS-5, ang mga suspek na sina Melanie David, 36; John Carlo Yturralde, 22, at Belen Marie Ayaquil, 21-anyos,
Ang mga suspek ay naaresto dakong alas-10:10 ng gabi noong Nobyembre 16, 2021 sa Winston St. corner Commonwealth Ave., Brgy. Greater Fairview, Quezon City matapos ituro ng isang confidential informant kaugnay sa illegal drug peddling activities ng mga ito.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 100 gramo ng shabu na P680,000 ang halaga, isang cellular phone, at sky blue MXI Yamaha motorcycle.
Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)
154 