3 MENOR DE EDAD, 2 PA HULI SA DINEKWAT NA P.3-M COPPER CABLE WIRE

CAVITE – Nadakip ang dalawang menor de edad at dalawang kasapakat nila sa aktong ikinakarga sa kanilang sasakyan ang tinangay na underground copper wires sa Imus City noong Linggo ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10515 (Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Onyok”, “Kinito” at “Ron”, pawang mga menor de edad, at alyas “Jerry”, 36, at “Ana”, 21-anyos.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga roving guard ng PLDT band dakong alas-3:21 ng madaling araw sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Bayan Luma 2, Imus City nang naaktuhan nila ang mga suspek habang isinasakay sa kanilang closed van na Mitsubishi Canter na may plakang CCP 5562, ang tinatayang 100 metrong haba ng 26 underground copper cable wire na nagkakahalaga ng P359,063.57.

Narekober din mula sa mga suspek ang isang bolt cutter, metal saw, mallet, chisel, steel chain at ang kanilang ginamit na sasakyan.

(SIGFRED ADSUARA)

28

Related posts

Leave a Comment