3 NADAGDAG SA NAVOTAS COVID DEATHS

WALO ang nadagdag na aktibong kaso at tatlo ang namatay sa Navotas City noong Disyembre 2 dahil sa COVID-19 pandemic.

Bukod dito, dalawa ang nadagdag sa talaan ng mga nakarekober na pasyente sa nasabing sakit sa nasabi ring petsa.

Umakyat na sa 5, 310 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod.

Sa bilang na ito, 5,080 na ang gumaling, 160 na ang namatay dahil sa pandemya at 67 ang active cases. (ALAIN AJERO)

163

Related posts

Leave a Comment