NASAGIP nitong Linggo ng umaga ng mga tauhan ng Philippine Marines ang tatlong mangingisda na naligaw at nawala sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.
Ayon sa ulat na ipinarating sa pamunuan ng Philippine Navy Marines, bandang alas-8:30 ng umaga nailigtas ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team-9 (MBLT-9), na naka-station sa isang detachment sa West Philippine Sea, ang nawawalang mga mangingisda na dalawang araw nang stranded sa dagat.
Kinilala ang mga nasagip na fishermen na sina Romeo H. Carta, 50; Rojin A. Santillan, 28; at Axel C. Gonzaga, 30-anyos, pawang taga Barangay San Piro, Balayan, Batangas.
Base sa inisyal na ulat, napahiwalay ang rescued fishermen sa kanilang mother boat dahil sa sama ng panahon.
Agad na binigyan sila ng pagkain. tubig at medical assistance ng mga tauhan ng MBLT-9 at tiniyak ang kanilang kaligtasan.
Agad na nakipag-ugnayan ang Philippine Marines sa Philippine Navy, na siyang kumontak naman sa mother boat para makuha ang nawawala nilang mga kasamahan.
“This incident highlights the unwavering commitment of the Philippine Marine Corps to safeguarding lives and upholding maritime security in the West Philippine Sea, ensuring the protection of both territorial waters and Filipino fisherfolks,” ayon sa Philippine Marine Public Information Office chief. (JESSE RUIZ)
143
