3 PATAY SA AWAY NG 2 ANGKAN

COTABATO – Patay ang tatlong miyembro ng mag-anak habang dalawang iba pa ang sugatan nang magkasagupa ang dalawang armadong grupo dahil sa away sa lupa o rido, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga napaatay na sina Samsudin Pasandalan, 47; Nasrodin Mangandili, 33, at Mohimin Pasandalan, 27, habang ang mga sugatan ay sina Koriano Mangandili at Bronson Pasandalan, pawang mga residente ng Brgy. Balungis, Pikit, North Cotabato.

Batay sa report ng Pikit-PNP, nangyari ang insidente sa Brgy. Balungis, Pikit, Cotabato.

Lumabas sa imbestigasyon, nagkasagupa ang grupo nina Kumander Sambutuan Pasandalan ng 110th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), at Kumander Guinaidin Hadji Ali ng Moro National Liberation Front (MNLF) habang patungo umano ang grupo ng una sa kanilang kampo makaraang paputukan ng grupo ni Ali.

Nauwi ito sa palitan ng putok at napuruhan ang tatlo sa hanay ng MILF habang sugatan ang dalawa.

Paniwala ng mga awtoridad, matagal nang alitam ang sanhi ng sagupaan. (ANNIE PINEDA)

 

191

Related posts

Leave a Comment