EDITORIAL NOONG 1973 oil crisis, namahagi o nagbigay ng rasyon ang pamahalaan ng regular at premium gasoline sa mga may-ari ng sasakyan at iba pang gumagamit ng produktong petrolyo. Nagkaroon ng krisis sa produktong petrolyo matapos magdeklara ang Arab Oil Petroleum-Exporting Countries (OPEC) ng oil embargo simula Oktubre 1973. Ang paghihigpit ng OPEC oil exports at produksyon ay bunsod ng pagputok ng ikaapat na giyera ng Arab at Israel. Ang hakbang ng Pilipinas ay parte ng mahigpit na hakbang upang tipirin ang limitadong supply ng enerhiya. Sa panahon pa rin…
Read MoreDay: March 8, 2026
P112-M SHABU NASABAT SA NAIA: MGA ISMAGLER WALANG LUSOT SA KAMAY NA BAKAL NI NEPO!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ISANG malaking dagok sa sindikato ng ilegal na droga ang muling naitala nang masabat ng Bureau of Customs (BoC)–Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinatayang P112 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa NAIA Terminal 1 noong Pebrero 28, 2026. Isang Malaysian national ang naaresto nang ma-flag para sa masusing inspeksyon ang kanyang bagahe. Sa loob nito, natuklasan ang 16.526 kilo ng puting kristal na hinihinalang methamphetamine hydrochloride o mas kilala bilang shabu. Tinatayang nasa P112,376,800 ang standard drug price ng nasabing kontrabando. Isinagawa ang…
Read MorePAMUMUNO NI MAYOR RUFFY BIAZON NA MAY MALINAW NA DIREKSYON PARA SA MUNTINLUPA
TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon na hinahanap ng mamamayan ang mga konkretong hakbang mula sa kanilang mga pinuno, mahalaga ang malinaw na plano at seryosong aksyon upang mapabuti ang serbisyo ng pamahalaan. Ito ang ipinakita ni Mayor Ruffy Biazon matapos niyang ihain ang pitong mahahalagang panukala sa Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa na naglalayong palakasin ang kaayusan, seguridad, at kapakanan ng mga residente. Ang mga panukalang ito ay hindi lamang simpleng polisiya kundi malinaw na pagpapakita ng isang pamahalaang nakatuon sa pangmatagalang pag-unlad. Mula sa Free Bicycle Parking Ordinance…
Read MoreDAWLAH ISLAMIYA SUB-LEADER NAPATAY
ISANG aktibong Dawlah Islamiya sub-leader na kumikilos sa Cotabato province, ang napatay nitong Linggo sa military operation sa bayan ng Banisilan lalawigan ng Cotabato. Kinilala ni Maj. Gen. Jose Vladimir Cagara, commander ng 6th Infantry Division, ang napatay na sub-leader ng Dawlah Islamiya-Hassan Group na si Amarudin Kulaw, alyas “Alpha King,” na minsang nagsilbing “Amir” (pinuno) ng DI Hassan Group. Batay sa ibinahaging impormasyon, nakatangap ng intel report ang Philippine Army hinggil sa presensya ni Kulaw sa Barangay Tinimbacan, Banisilan, Cotabato province kaya agad nagsagawa ng operasyon ang military bandang…
Read MoreDUBAI TRAVEL NG BULACAN VICE MAYORS IIMBESTIGAHAN
POSIBLENG imbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Commission On Audit (COA) ang mga vice mayor sa lalawigan ng Bulacan na bumiyahe patungong Dubai, United Arab Emirates, matapos ang panibagong isyu na kumakalat ngayon sa social media na ang kanilang pagbiyahe ay personal pero nag-release umano ng government funds. Nabatid sa nasabing post sa social media na sa isang panayam kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque, sinasabing mayroon pinirmahan ang alkalde na travel authority para sa kanyang bise alkalde na si Vice Mayor Cris Castro. Base…
Read More4 MOTOR INARARO NG TRUCK; 2 PATAY, 3 SUGATAN
RIZAL – Patay ang isang rider at angkas nito habang sugatan ang tatlo pang driver ng motorsiklo matapos na sila ay araruhin ng isang dump truck na nawalan ng preno habang nakahinto sa stop light sa Marilaque highway, Brgy. Sampaloc sa bayan ng Tanay sa lalawigan noong Biyernes ng hapon. Batay sa imbestigasyon ng Tanay Municipal Police Station, bandang alas-2:30 ng hapon nang mawalan umano ng preno ang dump truck habang bumabagtas sa J.P. Rizal Avenue patungo sa Sampaloc proper. Sinubukan pa umanong iwasan ng driver ng truck ang sasakyan…
Read MoreDEPLOYMENT NG 800 TOURIST POLICE OFFICERS INUTOS NG DILG
NAKATAKDANG mag-deploy ng 800 tourist police officers ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa major tourism spots sa bansa sa susunod na buwan ng Abril. Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang planong deployment ng tourist police officers sa pakikipag-ugnayan sa Department of Tourism. “The initiative aims to increase police visibility in high-traffic tourist areas, deter criminal activity, and ensure faster emergency response while creating a safe and welcoming environment for both visitors and local businesses,” sabi pa ni SILG Remulla.…
Read More2 PULIS, 3 PANG KASABWAT ARESTADO SA ANTI-NARCOTICS OPERATION
MUNTIK nang nauwi sa madugong shootout ang pag-aresto sa dalawang pulis at tatlong kasabwat nila sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group-Special Operations Unit-NCR sa Brgy. Western Bicutan, Taguig City, pasado alas-kuwatro, ng hapon noong Sabado. Ayon sa ulat ng PDEG-SOU, ang dalawang pulis na nadakip sa buy-bust operation ay kapwa mga police corporal na nakadestino sa Taguig City Police Station. Ayon kay PLt. Col. Christopher Navida, OIC, SOU-NCR, PDEG, may natanggap silang intel report na dati na umanong na-assign sa drug related police operation…
Read MoreP119-M SHABU NASABAT NG BOC AT PDEA
NASABAT ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang 17,500 gramo ng shabu na itinago sa loob ng crystal resin countertops. Ang smuggled shabu na may halagang P119 milyon na nagmula sa sa Las Vegas, ay dadalhin sana sa Makati City ngunit naharang ng mga tauhan ng BOC-Port of Clark, at PDEA, katuwang ang Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs (CRK-IATFAID). Bago ang isinagawang anti-narcotics operation, nakatanggap ng intelligence information ang BOC mula sa PDEA kaya agad na isinailalim sa X-ray…
Read More